MANILA — “Walang dibisyon, iisa ang direksyon.”

MANILA — “Walang dibisyon, iisa ang direksyon.”

Ito ang tema ng Manila Summer Pride, na sa kauna-unahang selebrasyon, ay inilunsad sa pamamagitan ng isang Float Parade Competition, para sa LGBTQ+ community sa Lungsod ng Maynila, na ginanap sa Kartilya ng Katipunan ngayong araw, ika-3 ng Abril 2022.

Ang Maynila ay mayroong City Ordinance 8695 na tahasang nagbibigay ng proteksyon at kalinga sa nasabing sektor at kumikilala sa kanilang mga talento, kakayahan at kagalingan bilang mahalagang bahagi ng lipunan.

“Naniniwala ako bilang isang ina na kahit sino ka pa, kahit ano ka pa, may puwang ka sa mundo, may silbi ka sa mundo. Basta’t ang pananaw natin sa buhay ay wala tayong tinatapakan, wala tayong pinagsasamantalahan, may paggalang tayo sa karapatan ng bawat isa at may pananagutan tayo sa malayang pamumuhay,” wika ng isang cty government official.

“Ang pagkakapantay-pantay ay hindi tungkol sa pagtingin sa iba’t ibang bagay nang magkatulad, bagkus ito ay tungkol sa pagtanggap sa iba’t ibang mga bagay na talaga naman may pagkaka-iba iba. Respeto lang!”

“Maraming salamat po sa ating punong lungsod Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at sa Department of Tourism, Culture and Arts of Manila, na pinamumunuan ni G. Charlie Duñgo, na nanguna sa pagdiriwang na ito, sa pakikipagtulungan ng Bekshie ng Maynila,” dagdag pa ni vice mayor Honey Lacuna.

Nakiisa rin sa pagdiriwang sina Cong. Yul Servo Nieto, Liga ng mga Barangay President Lei Lacuna, at ang principal author ng nasabing ordinansa na si Konsehal JTV Villanueva.

(Kiara lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply