May sayad, nanunog ng bahay,1 patay; 180 pamilya nawalan ng tirahan

May sayad, nanunog ng bahay,1 patay; 180 pamilya nawalan ng tirahan

MANILA — Patay ang isang (1) 55-anyos Filipino-Taiwanese national at apat (4) ang nagtamo ng sugat habang naaresto naman ang nanunog sa bahay na may problema diumano sa pag-iisip na naging sanhi ng laganap na sunog kahapon ng umaga sa may New Antipolo Street. Sta. Cruz, Maynila.

Iniimbestigahan na ng Manila Bureau of Fire Protection(BFP), ang suspek na si Leonardo Reboses, nasa hustong edad na siyang itinuturong nanunog ng bahay.

Kinilala naman ang nasawi na si Rogelio Esteron, Filipino-Taiwanese, 55, company driver sa Makati, na tatlong buwan pa lang na nangungupahan sa lugar.

Kabilang naman sa apat na nasugatan sina Rosalina Perez at Leonardo Pavilar habang ang dalawa pa hindi pa natukoy ang pangalang ng mga otoridad.

Ayon sa Manila BFP, nagsimula ang sunog sa tatlong palapag na lumang bahay, dakong alas-7:07 ng umaga.

Ito’y umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fire out bandang alas-9:22 ng umaga.

Sa nakuhang impormasyon, nakasalubong pa umano ng ilang kapitbahay si Esteron at sinabing may sunog pero dumiretso pa rin ito sa inuupahang kuwarto.

Nabatid sa imbestigasyon ni SFO1 Roderick Andressa sa kuwarto ni Eric Familar na nasa ikalawang palapag nagsimula ang sunog at kapatid nito sa ama ang suspek na sinasabing may problema sa pag-iisip.

Ayon sa BFP may 30 struktura ang nadamay masunog at 180 pamilya ang nawalan ng bahay. (Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply