SABONG PA MORE: 10 illegal tupadista nadakip sa Sto. Tomas City

SABONG PA MORE: 10 illegal tupadista nadakip sa Sto. Tomas City

STO TOMAS City — Sobrang taas ng piyansa ngunit sa hindi maintindihang dahilan patuloy pa rin sa pagdaraos ng mga ilegal na sabong o tupada ang mga are.

Kung kaya’t nang muling maglunsad ng anti-illegal gambling operation sa mga barangay ang mga tauhan ni STC Philippine National Police chief Police Lieutenant Colonel Danilo G Mendoza, umabot sa sampung (10) mga suspek ng illegal cockfighting ang mga naaresto.

Nakilala ang mga suspek na sina:
1) Romeo Manzanilla (58), may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. San San Pablo, Sto. Tomas City
2) Pablo Guevarra y Carpio (60) may asawa, magsasaka at residente rin ng Brgy. San Pablo
3) Alce Nayle y Galeto (37) may asawa, construction worker at residente ng Brgy. Santa Ana Sto. Tomas City
4) Florian Blanza y Flores (39) may asawa, construction worker at residente rin ng Brgy. Sta. Ana
5) John Lamigo y Lumingas (39) may asawa, factory worker at residente ng Bgry. San Pablo
6) Marco Maragondon y Ancheta (22) may live-in partner, construction worker at tubong Antipolo City ngunit kasalukuyang nakatira sa Brgy. Sta Ana
7) Gregorio Dita y Muico (54) may asawa, karpintero at residente ng Brgy. San Pablo
8) Francis Ibanez y Areniz (40) may live-in partner, construction worker at tubong Brgy. Mabilo 2, Camarines Norte at kasalukuyang nakatira Brgy. Sta Ana
9) Maximo Javier y Marahas (56) may asawa, Barangay Tanod at residente ng Brgy. San Pablo Sto. Tomas City at si
10) Efren Pajarillano y Santos (69) may asawa ngunit walang trabaho at nakatira sa Brgy San Pablo Sto. Tomas City, Batangas.

Ang naturang mga suspek ay lahat nasakote habang nagsasagawa ng tupada nitong Sabado ng Sto Tomas CPS dakong alas-1:30 p.m. sa Brgy. San Pablo, Sto. Tomas City, Batangas.

Kabilang sa mga narekober na ibidensya ay pantayang pera na three thousand one hundred pesos (P3,100), dalawang fighting cocks, dalawang pantari na nakakabit pa sa kaliwang paa ng mga manok ayon kay STC CPS police information officer PMaj Allan Nidua.

Ang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng mga suspects ay nasa pagitan ng P25,000 hanggang P35,000. (OpBats/Ogima)

Leave a Reply