Sen. Imee Marcos, Manila mayoral candidate Atty. Alex Lopez nakiisa sa unang araw ng Ramadan sa Golden Mosque sa Quiapo

Sen. Imee Marcos, Manila mayoral candidate Atty. Alex Lopez nakiisa sa unang araw ng Ramadan sa Golden Mosque sa Quiapo

Ulat at larawan ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Nakiisa sina Senator Imee Marcos at Manila mayoral candidate Atty. Alex Lopez sa unang araw ng pagdiriwang ng Ramadan nitong ika-3 ng Abril 2022 sa Golden Mosque and Cultural Center sa Globo de Oro St. Quiapo, Manila.

Ipinahayag ni Atty. Alex Lopez kay Sen, Imee Marcos ang kanyang mga plano para sa naturang mosque at sa mga kapatid na Muslim. Layunin ni Lopez na muling pagandahin ang nasabing moske upang ito ay maging isang ” World Class” na sa gayong dayuhin ito ng mga imbestor buhat sa gitnang silangan.

Tumanggap naman ng Certificate of Appreciation sina Sen. Imee Marcos at Atty. Alex LOpez mula sa administrasyon ng moske dahil sa kanilang pagsuporta at pagsali sa isang clean-up drive na ginanap kamakailan bilang paghahanda sa banal na buwan ng Ramadan.

Sabay na itinaas ni Admin. Sultan Omar Pumbaya ang mga kamay nina Sen. Imee Marcos at Atty. Alex Lopez upang ipakita dito ang solidong pagsuporta sa kandidatura nito sa pagka-alkalde ng lungsod ng Maynila,

Buong pusong nagpasalamat ang mga lider ng komunidad sa ginawang kabutihan ni dating Pangulong Marcos. Isa na rito ang pagpapalabas ng isang batas na PD 1083 o ang batas na kumikilala sa Shari’a Law sa Pilipinas.

Taimtim na dinasalan ng mga kapatid na Muslim sina Sen. Imee Marcos at Atty. Alex Lopez matapos ang maikling kumustahan.

Inaalala ni Sen. Imee Marcos ang pagkupkop ng mga Arabong bansa ng kanilang pamilya noong 1986. Sinabi ng senadora na matagal na siyang bumibisita sa moske kahit hindi panahon ng Ramadan.

Nagpapasalamat si Sen. Imee Marcos sa mga kapatid na Muslim sa Pilipinas at sa gitnang kanluran. Naniniwala din siya na bahagi ang Islam ng ating kultura at pamanang pambansa.

Nagpahayag din ng pagbati si Atty. Alex Lopez sa kapatid na Muslim.

“God is good, God is with us “…. Allah is great, Allah is with us!” ani Lopez.

“Happy Ramadan Eid Mubarak,” wikang pagwawakas pa ni Lopez.
(ai/mtvn)

Leave a Reply