2-storey, 8 classroom project sa Ambulong Elementary School ng Tanauan 65% nang gawa

2-storey, 8 classroom project sa Ambulong Elementary School ng Tanauan 65% nang gawa

TANAUAN City — Bilang paghahanda sa nalalapit na balik-silid aralan ng mga batang estudyante, puspusan ang mga pagpapagawa ng eskuwelahan sa lungsod na ito bilang parte sa mga pagawaing bayan na inilatag ni Mayor Mary Angeline “Sweet” Halili.

Isa na rito ay ang isang school building project ng lungsod na nasa Barangay Ambulong na halos 65% nang kumpleto ang konstruksyon ng isang 2-storey, 8-classroom school building partikular na sa Ambulong Elementary School.

Ang naturang proyekto, na mula sa Special Education Fund (SEF) para sa taong 2021 ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, ay nagkakahalaga ng P17, 486,031.52.

Sinimulan ito noong September 2021 at inaasahang makukumpleto sa Mayo 2022.

Inihahanda na ng lungsod ang mga paaralan nito para sa inaasahang pagpapanunumbalik ng “face-to-face classes” bunga na rin ng patuloy na pagbuti ng pangkalahatang sitwasyon hinggil sa COVID-19.

Leave a Reply