Suporta kay BBM, Atty. Alex Lopez nadagdagan pa sa Maynila

Suporta kay BBM, Atty. Alex Lopez nadagdagan pa sa Maynila

Ni Benjie Cuaresma

MANILA — Nadagdagan pa lalo ang suporta sa nangungunang kandidato sa pagkapangulo na si Bongbong Marcos at vice presidential candidate ni Inday Sara Duterte pati na ang lokal na kandidatura sa pagka-alkalde ni Atty. Alex Lopez sa Maynila matapos ang isang malaking pagtitipong ng ng Filipino-Chinese Volunteers for BBM for President Movement na dinaluhan din ni Senator Imee Marcos sa President Grand Palace Ongpin St. Binondo, Manila nitong Lunes, 04 Abril 2022.

At syempre pa, nanguna rin sa naturang okasyon ang tinaguriang “Power Duo” ngayon ng Maynila na sina mayoral bet Atty. Alex Lopez, chairman ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP)-Manila Chapter at ang kanyang ka-tandem na si vice mayor aspirant Raymond Bagatsing.

Mainit din silang tinanggap ng mga lider ng naturang grupo.

Nagalak naman at nagpapasalamat si Sen. Imee Marcos sa paanyaya ni Chairman Andy Que na siyang namuno para sa political endorsement ng grupong Filipino-Chinese Volunteers for BBM for President Movement at ng UniTeam pati na sa kandidatura nina Lopez at Bagatsing.

Masayang kinuwento ni Senator Imee ang karanasan niya at ng kanyang pamilya sa Binondo kung saan kumakain sila sa Panciteria. At ginunita rin nito na ang kanyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos ang isa sa mga panauhing pandangal noong unang binuksan ang nasabing President Grand Palace.

Kinilala ni Senator Imee ang malaking ambag ng Filipino-Chinese Community sa ekonomiya ng bansa dahil sa negosyo at trabahong dala nito.

Nalulungkot si Sen. Imee sa ginagawang paghihigpit sa mga Tsinoy na kadalasang nagiging dahilan ng korupsyon. Batid naman ng lahat na malaki ang ambag ng mga Chinese sa ekonomiya ng bansa.

Inalala din niya ang pagkakaroon ng judicial naturalization para sa mga Chinong naninirahan at naging kabahagi na ng ating bansa upang maging Filipino ang mga ito.

Ipinahayag din ni Sen. Imee na Chinese in origin ang kanilang mga ninuno.

Nanawagan si Sen. Imee sa lahat ng mga Filipino-Chinese na magsama-sama ang lahat para sa isang tunay na pagbabago.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Atty. Lopez sa Fil-Chinese community sa ipinakita nilang suporta sa BBM-Sara at sa kanilang grupo.

Ayon kay Lopez naniniwala si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na isa sa paraan upang umunlad ang bansa ang manghikayat ng mga small, large o maging ordinaryong negosyante para maiangat ang pamumuhay ng mga Filipino.

Kaya nanawagan si Atty. Alex ng pagkakaisa para makaahon sa lugmok na kahirapan bunsod din nitong nagdaang pandemya.

Nagtapos ang pagtitipon sa isang ceremonial toast “para sa tagumpay!”

(ai/mtvn)

Leave a Reply