TRICIA ROBREDO PASIMUNO NG BLACK OPS VS MARCOS

TRICIA ROBREDO PASIMUNO NG BLACK OPS VS MARCOS

MANILA — Nabuko na mismong anak ni Leni Robredo ang isa sa pasimuno ng black propaganda laban kay presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Dahil dito, muling nagalit ang mga netizens sa kampo ni Robredo na anila’y wala nang ibang alam gawin ngayon kundi siraan si Marcos.

Nabatid na noong nakalipas na March 29, nag-post sa kanyang Twitter account si Tricia Robredo.

Patungkol ito sa ginawa nilang house to house campaign sa Bgy. Baesa, Quezon City.

“Bumisita naman kami sa Baesa kaninang hapon. Marami pala kaming kababayan na nakatira rito! Ang sayang makapag-Bikol ulit. Dios mabalos po. #TaoTaoParaKayRobredo #LeniKiko2022,” anang caption ni Tricia Robredo na may Twitter account na @jpgrobredo.

Apat na pictures ang naka-post sa twitter na ito ni Tricia. Isang kuha na kumakaway. Isang kuha ng mamang may hawak ng tarpaulin ng Leni-Kiko. Ang pag-groupie nito sa apat na kababaihan at ang pag-akbay sa isang lola.

Ang ikatlong larawan o ang groupie nito sa mga kababaihan ang nakatawag ng atensiyon sa mga netizens.

Hawak kasi ng isang babae ang flyers na ipinamimigay ng dilawan.

Nang i-zoom ito ng netizens, nalantad na ang nilalaman ng flyer ay ang mga larawan at salaysay na patungkol sa paninira kay Marcos.

Si Tricia na Janine Patricia Robredo ang tunay na pangalan ay pangalawang anak ni Leni. Isa itong doktor at aktibo ring nangangampanya ngayon para sa ina na tumatakbo sa pampanguluhan.

“Doktora pa naman siya tapos siya pa ang pasimuno ng negative campaign. Wala naman talaga sila alam gawin kundi siraan si BBM? Grabe sila,” ani Gabby Tenorio isang residente sa Novaliches, Quezon City. (ai/mtvn)

Leave a Reply