Bagong tambalang ‘MarSo’ patok sa Rizal!

Bagong tambalang ‘MarSo’ patok sa Rizal!

MANILA — Sa pag-iikot ng Maharlika TV News team nitong Huwebes, 07 April 2022, sa bayan ng San Mateo at Montalban, Rizal, may namataan ang grupong MTVN na may pinag-aagawang tarpaulin na ikinakabit ng dalawang lalaki sa paradahan ng mga traysikel.

Nakiusyoso na rin ang MTV News team at inimbistigahan kung bakit nagkakagulo ang mga tricycle drivers gayong tarpaulin lang naman ng kung sino kandidato na siyang uso ngayon dahil panahon ng kampanya.

Ngunit ang tumambad sa MTVN team ay hindi pala ordinaryong tarpaulin lamang ito kundi may litratong magkatalikuran sina Bongbong Marcos at SP Tito Sotto at may malaking letrang nakasulat na MarSo, o ang pinagsamang apelyido ng nangungunang kandidato sa pagkapangulo na si Marcos at si Sotto.

Malaking intriga ito dahil, si Marcos ay mayroong Inday Sara Duterte bilang opisyal na ka-tandem habang si Sotto, na kandidato ng National People’s Coalition, ay katambal ni Ping Lacson.

Napansin din ng team na abala sa kanya-kanyang pagkabit ng tarpaulin sa likuran ng kanilang mga sidecar.

At buong pagmamalaki nilang sabay-sabay na sinabi: “kina MarSo po ito sabay, pakita ang mukha nina Marcos at Sotto, na kasalukuyan nang maugong na pinaguusapan ng mga “marites” ang pinakabagong tambalan sa social media.

‘Sir sa akin din po isasabit ko tarp ng MarSo, idol ko po sila BBM at senator Tito Sotto number wan sila sa amin sa balota, gusto ko rin talagang sila ang manalo bilang president at vice president ng ating bansa, siguradong ilalatag nila ang tunay na pagbabago at pagkakaisa,” pakli ni Manong driver na siyang pinaka-senyor sa grupo.

Sabi naman ng isa pang drayber, na hindi magkandatuto sa pagsabit ng tarps: “Para sa amin sir, swabeng kumbinasyon po ang tambalang MarSo, hangad namin dito sa San Mateo na manalo at alam ko hanggang Montalban maraming maka-BBM-Sotto dun.”

Ang iba pang kapwa tricycle driver na ipinagyabang na buo ang suporta nila at anila’y perpektong kumbinasyon para sa dalawang kandidato, ang “MarSo Hanggang Mayo” sa nakatakdang 2022 pambansang halalan.

Sadyang lumalawak na at bumubuhos na ang suporta ng tambalang MarSo hanggang Mayo.

Sa kalalabas lang na nationwide survey ng Pulse Asia mula Marso 17-21, 2022 gamit ang face-to-face interviews, humahabol mula sa nangungunang si Sarah Duterte, 56%, si Sotto na may 20 percent.

Nagtala si Sotto ng 24% sa NCR, Luzon, 22, Visayas 26 habang sa Mindanao ay may walong porsyento. Angat si Sotto ng 5 porsiyento kay Kiko Pangilinan, 15% na nasa ikatlong posisyon. Si Doc Wllie Ong ng Aksyon Demokratiko ay may 5% (4th) at Lito Atienza ng Promdi, 1%.

Maraming grupo ang naniniwala mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan ang unti-unti pag-arangkada ng pambato ng NPC at anila’y manonorpresa bagupaman ang aktuwal na halalan.

“We have the support of the people on the ground,” ani Sotto nang matanong hinggil sa kanyang analisa sa mga inilalabas na surveys.

Sa ibang isyu, pumapabor si Sotto sa muling pagbibigay ng prangkisa sa dating broadcast giant na ABS-CBN sa pagsasabing “to enhance competition.” (MTVN)

Leave a Reply