ROBREDO IBINASURA NG THINKING CLASS (ABC); MARCOS TUMAAS—LAYLO SURVEY

ROBREDO IBINASURA NG THINKING CLASS (ABC); MARCOS TUMAAS—LAYLO SURVEY

MANILA — Napanatili ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang kanyang malaking lamang sa Laylo Research survey nitong Marso kabilang na ang “thinking class” (ABC) kung saan tumaas ang kanyang bilang ng apat na porsyento, habang ang kanyang katunggali na si Leni Robredo ay halatang ibinasura ng naturang class matapos lumagapak ng 10 porsyento ang kanyang bilang.

Sa survey ng Laylo nitong Marso 15-22, nakakuha si Marcos ng 58 porsyentong voter preference sa Class ABC, o tumaas ng apat na porsyento sa kanyang score na 54 porsyento nitong nakaraang Pebredo.

Sa kabilang banda, si Robredo na umiskor ng 25 porsyentong voter preference sa Class ABC nitong Pebrero, ay nakakuha ng 15 porsyento nitong Marso, o lumagapak ng 10 porsyento.

Lumalabas din sa resulta ng survey sa demographics na si Marcos pa rin ang lamang ng malayo sa lahat ng “class.”

Bukod sa Class ABC, nagtala si Marcos ng 62% sa Class D, at 58% in Class E.

Si Marcos ay nakakuha ng score na 61 porsyento sa voters’ presidential preference rating sa naturang survey at napanatili nito ang milya-milyang kalamangan na 42 porsyento sa kanyang pinakamalapit na katunggali.

Nasa malayong pangalawa si Robredo na mayroon lamang 19 porsyento; Isko Moreno at 9 porsyento, Manny Pacquiao anim na porsyento, Ping Lacson dalawang porsyento, at undecided na dalawang porsyento.

Nanguna rin si Marcos sa Laylo preferential survey sa lahat ng rehiyon. Nag-deliver ang solid north ng pinakamataas na bilang ng voters’ preference rating na 86 porsyento sa Ilocos Region (Region 1), 86 porsyento sa Cordillera Autonomous Region, 84 porsyento sa Cagayan Valley (Region 2), at 62 porsyento sa Central Luzon (Region 3).

Malaki rin ang lamang ni Marcos sa mga probinsya ng Mindanao.

Sa Davao Region (Region 11) at Caraga (Region 13) nakakuha siya ng pinakamataas na 80 porsyento sa dalawang rehiyon, Soccsksargen (Region 12) 67 porsyento, Zamboanga Peninsula (Region 9) 66 porsyento, BARMM 63 porsyento, at Northern Mindanao (Region 10) 55 porsyento.

Maging sa trust rating nanguna pa rin si Marcos na mayroong +53, sinundan ni Moreno na mayroong +16, Robredo -9, Lacson -11, at -23 kay Pacquiao. (ai/mtvn)

Leave a Reply