‘MarSo Hanggang Mayo’ Facebook page pinutakti ng netizens

‘MarSo Hanggang Mayo’ Facebook page pinutakti ng netizens

MANILA — Ilang oras pa lamang ang lumipas matapos mai-lunsad sa Facebook ang FB page sa paglutang ng “MarSo, Masa Panalo” kung saan ineendorso ang bagong tambalan nina UniTeam presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong” Marcos, Jr., at Nationalist People’s Coalition (NPC) vice- presidential bet SP Tito Sotto, pinutakti agad ng mga komento at shares ang nasabing FB page na may ngalang “Virgo.”

Narito ang ilan sa mga komento:

“Ang tambalang Mag aayos at Magtatapos ng kahirapan 2 Great Minds Can Make a BIG DIFFERENCE… We need and want change kaya We should Let MarSo
Lead.. Sila ang matagal na nating Hinihintay na Pagbabago. May # MarSotayosaMayo9 #7saPagkaPresidente. – Schiminite Garcia.

Reaksiyon naman ni Timber Alcantara – Pang malakasang tandem ito, sagaran na ang galing at talino ng tandem na ito. Maging mapanatag na din tayo sa wakas!! 😍😍#MarSoTayofor2022.

Ilan lamang ito sa mga naging komento ng Virgo Page kung saan umabot na sa 161 comments at 51 shares ang nasabing post.

Hindi rin nagpahuli ang ibang fan page na mag-react ilang sandali pa lang na nai-post ang mga larawan ng “MarSo” sa unang bugso ng pagkakabit ng mga tarpaulin sa magkarugtong na bayan ng San Mateo Rizal at Montalban Rizal.

Dito pinag-agawan ng mga traysikel drayber ang “MarSo, Masa Panalo” na mga tarpaulin at excited sila na isinabit ang mag ito sa kani-kanilang mga sidecar.

“Sir meron pa po?” wika ng isang drayber na hindi umabot na mabigyan ng MarSo tarp.

Umabot naman sa 167 comments at 44 shares ang nasabing MarSo photos.

“Mas prefer ko ang MarSo tandem. Kung gusto niyo ng tunay na pagbabago, piliin ang tama, piliin ninyu ang MarcosSotto tandem! ” sabi ni Kurt Hayden.

Sabi naman ni Renabel Cortes: ” Isa ako sa excited na nag-aabang sa MarSo tandem. Kung sila ang mamumuno paniguradong bayan ay aangat at bawat Pilipino ay may nakamit na kalayaan at pagkakaisa 100%. #marso2022.

Ang naturang mga komento ay sumasalamin lamang na patok at marami ang may gusto at pumapabor para isulong ang tambalang Marcos-Sotto o MarSo, Masa Panalo deretso hanggang Mayo o sa aktuwal na halalan sa Mayo 9, 2022. (Jello)

Leave a Reply