MarSo putok din sa ‘Nova’ QC

MarSo putok din sa ‘Nova’ QC

MANILA — Hindi na mapigilan ang pag-arangkada ng “MarSo, Masa Panalo,” ang anila’y suwabeng kumbinasyon nina Uniteam presidential frontrunner Ferdinand ‘Bong Bong’ Marcos, Jr., at Nationalist People’s Coalition (NPC) vice presidential candidate Vicente ‘Tito’ Sotto lll para sa pambansa at lokal na halalan sa Mayo 9.

Sa paglilibot ng MTV News roving team, naispatan nila sa bandang Novaliches, Quezon City ang grupo kausap ang ilang tricycle drivers na prominenteng nagkakabit ng MarSo (Marcos-Sotto) tarpaulins sa likuran ng kani-kanilang sasakyan.

Sinundan ng team ang isang driver upang mag-usyoso at tanungintungkol sa ikinabit nilang MarSo tarps.

Heto ang kanyang tugon:

“May nakiusap po sa amin na may bitbit na nakarolyong tarpaulin, kung pwede daw isabit sa hulihan ng motor, tanong ko Sir, sinong kandidato yan, at nang iladlad nya, nakita ko agad ang magkatalikurang litrato ng paborito kong presidente, si BBM #7 at ang idol ko si Titosen # 9, at may nakamarkang ‘MarSo’, sambit ni mamang drayber sa MTVN.

“Hindi na ako nagdalawang isip Sir, yan talaga ang mga kandidato ko eh, ” anya pa.

Sabi naman nung isa pang drayber, na nakahimpil at may nakakabit ding MarSo tarp.

“Pinakabit ko agad kay Kuya, nang makita ko ang nakalagay sa tarpaulin, mga idol ko po yang dalawa, lalo na si Titosen, matagal ko nang paborito sya sa Eat Bulaga kasama si Vic at Joey,” pagyayabang ni mamang drayber # 2.

Marami din anya, ang nakabitan ng MarSo tarps sa mga bumibiyaheng tricycle at siguradong kakalat na umano ito sa kabayanan, na may mga ibang choices kung sino ang napipisil at napupusuan nilang mga kandidato lalo na sa presidente at bise presidente.

Sa unang paramdam ng “MarSo, masa Panalo,” pumatok agad ang FB page nito na pinutakti ng maraming likes, comments at share ilang oras pa lang nakalipas na mai-post ang profile pic nito na Virgo.

Kasunod ang pag-post ng mga larawan ng MarSo tarps na pinagkaguluhan sa bayan ng San Mateo at Montalban, Rizal na inulan din ng maraming likes, comments at shares. (ai/mtvn)

Leave a Reply