Zero Covid-19 abot kamay na ng PNP

Zero Covid-19 abot kamay na ng PNP

Ni Arwen Pascua

MANILA — Halos mag-zero cases na sa COVID-19 ang Philippine National Police (PNP) makaraang iulat ng PNP-Health Service na gumaling na ang isa pang dinapuan ng nasabing sakit habang nasa full recovery pa ang isa.
Sa kabuuan, 48,861 ang naging kaso ng coronavirus disease sa PNP simula nang magsimula ang COVID-19 noong Marso 2020.

Habang 48,731 pulis ang tagumpay na gumaling sa nasabing sakit.

Nananatili naman sa 129 ang iginupo ng sakit kung saan ang unang fatality ay noong Abril 2020 at ang huli ay noong Marso 30 ngayong taon.

Samantala, 223,425 na pulis na ang fully vaccinated sa primary dose ng COVID-19 vaccines habang 485 pa ang naghihintay ng ikalawang dose.

Nasa 498 pulis pa ang hindi nababakunahan sa dahilang may taglay na medical condition habang ang iba ay dahil sa sariling paniniwala.

Pumalo naman sa 212,635 pulis ang tumanggap na ng booster shot. (ai/mtvn)

Leave a Reply