Foodpacks, senior citizen social amelioration ibigay na ngayon — Lopez camp

Foodpacks, senior citizen social amelioration ibigay na ngayon — Lopez camp

Ipinapakita sa media ni Atty.Edward Magat, abogado ni Mayor Alex Lopez, ang kopya ng petisyon na kanilang inihain nitong Lunes (11 April 2022) sa Manila City Hall at sa opisina ng Commission on Elections sa Intramuros, Manila, sa agarang pag-release ng foodpacks at social amelioration funds.

Ni Benjie Cuaresma

MANILA — Opisyal nang nagsumite ng petisyon sa lungsod ng Maynila at Commission on Elections ang kampo nina Manila mayoral candidate Atty. Alex Lopez para sa agarang pagpapalabas ng mga foodpacks at senior citizen allowance ng Manileños upang hindi magamit ang mga ito sa pamumulitika.

Nilagdaan ang naturang petisyon nila Mayoralty bet Atty. Lopez at Atty. Bimbo Quintos, tumatakbong konsehal ng ikaapat na Distrito ng Manila.

Hinihiling nila Lopez ang agarang pag-re-release ng mga foodpacks at senior citizen social amelioration na dapat sana noong pang Marso ito natanggap ng mga Manilenyo at hindi kailangan ipamahagi ito bago sumapit ang May 9 election ng taong kasalukuyan.

“We condemn the politicization of the release of these foodpacks and senior citizens’ allowance. It should not be released days before the election, so as not to influence the decision of the voters,” pahayag ni Atty. Lopez.

Aniya, posibleng makaimpluwensiya ang ganitong istilo sa magiging desisyon ng mga botante.

Isa umanong ‘bulok’ na pamamaraan ng pamumulitika ang ganitong uri ng hakbang para lamang tumatak sa isipan ng mga botante na mayroon sila malasakit sa mga ito, na ang totoo inipit nilang ilabas ang mga dapat sana noon pa natanggap ng mga Manilenyo.

“The delay of the release shows that the city council and the vice mayor do not have the best interest of the people, but only their selfish interest,” wika pa ni Lopez.

Sinabi ni Atty. Alex na tahasang ipinakikita ng city council at ng vice mayor (Honey Lacuna) ng Maynila na hindi mahalaga ang kapakanan ng mga mamamayan kundi ang pangsarili lamang nilang mga hangarin sa buhay.

“This is the reason why Manilenyos are hungry because of the selfish interest of the chosen few of the council” dagdag pa ni Lopez.

Binibinbin nila ang pagpapalabas ng foodpacks at senior citizen social amelioration upang maimpluwensiyahan ang darating na eleksyon.

“It should be distributed with timeliness,” dagdag pa ni Atty. Lopez. (ai/mtvn)

Leave a Reply