Notoryus na tulak tiklo sa P8.6-M buy-bust sa QC

Notoryus na tulak tiklo sa P8.6-M buy-bust sa QC

Kalaboso ngayon ang isang notoryus at kilabot na tulak ng National Capital Region pati na nag Region 3 at Region 4A matapos na masakote sa isang buy-bust operation ng apat na anib-puwersang alagad ng pamahalaan kontra droga.

Nakilala ang notoryus na suspek na si KAMLUM DERAGIN y DAMPA a.k.a, BRYAN MACARIMBANG/SULTAN na nakuhanan ng 12 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P81.6-M. 

Naganap ng hapon ng Martes ang buy-bust ops sa may Examiner St. Quezon Ave., Quezon City at sinalihan ito ng mga operatibang galing sa PDEG SOU NCR, PDEA NCR, BOC CIIS, at NCRPO RID RDEU.

(Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply