Transport group isusulong ang malawakang kampanya ng tambalang MarSo, Masa Panalo!

Transport group isusulong ang malawakang kampanya ng tambalang MarSo, Masa Panalo!

MANILA — Isang malaking grupo sa transportasyon na nagsusulong ng MarSo o ang tambalan nina presidential frontrunner Bongbong Marcos at Senate President Tito Sotto ang lantaran na diumanong isasagad ang pedal sa metal upang itodo na ang kanilang kampanya sa pinakabagong tambalang politikal ng bansa sa huling tatlong linggo bago sumapit ang nasyunal at lokal na halalan sa Mayo 9, 2022.

Ayon kay Philippine Transport Monitor (PhilTraM) national chairman Aio Bautista, nitong Lunes, Abril 18, 2022, plantsado na ang plano ng kanilang grupo ang paglulunsad ng pambansang kampanya upang mapalawak at makilala pa lalo ang MarSo sa mga botante.

Una aniya rito ay ang pagdaraos ng trri-media press conference sa darating na Huwebes, Abril 21, 2022, sa Lungsod Quezon.

Idinagdag pa ni Bautista na matapos ang press conference ay agad nila itong susundan ng serye ng mga motorcade partikular na sa Batangas, Probinsya ng Rizal, Cebu City, at maging sa Ilocos Norte para isulong ang ibayong suporta ng masa sa “MarSo “ (Masa Panalo).

Ipinaliwanag pa ni Bautista na isa aniyang perpektong tambalan at karapatdapat na maluklok sa pinakamataas at pangalawang mataas na elective post ng bansa ang tambalang MarSo.

Ang MarSo motorcade ng PhilTram ay dadaluhan ng tatlong iba’t ibang grupo ng transportasyon, gaya ng mga food delivery riders na nagsilbing frontliners sa panahon ng pandemya, traysikel draybers na malaki din ang ambag sa esensyal na pangangailangan, jeepneys at Lalamove drivers, ayon pa kay Bautista.

“Isa rin po akong rider dati ng food delivery services sa gitna ng pandemya at ng Lalamove at ito po ang rason kung bakit natin ipinaglalaban ang welfare ng ating mga kababayan sa transport sector,” diin ni Bautista.

“At sa tingin po namin, ang MarSo tandem ang aming lubos na maaasahan sa kaparehong adbokasiya na aming ipinaglalaban. Kapwa po silang nagsasabing dapat at nararapat na pangalagaan ang uring mangagawa sa transportasyon.”

Samantala, isang mataas na opisyal ng Nationalist People’s Coalition (NPC), na ‘di nagpabanggit ng pangalan, ang nagsabing lumalakas ang suporta ng tambalang Marcos-Sotto mula sa hanay ng sariling partido pulitikal ni Sotto na ilan din dito ay pawang mga pro-BBM.

Si Bongbong Marcos ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP)- UniTeam ang nangungunang presidential candidate. Kasalukuyan nyang nilalasap ang lakas o ang malayong agwat sa mga isinasagawang iba’t ibang poll surveys organization kontra sa kanyang mga kalaban na sina Leni Robredo, Manny Pacquiao, Isko Moreno, Ping Lacson, at Leody de Guzman..

“Ito na. After a series of meetings, yung consensus ng lahat ay pabor at tanggap ang Marcos-Sotto tandem. Both platform kasi ng dalawa focus sa unity, creation of jobs and programs sa post-COVID 19 pandemic. Tapos na ang Holy Week kaya itotodo na namin ang pagpapakila sa MarSo. Ito na ang MarSo…hanggang Mayo na ‘to,” wika pa ni Bautista.

‘Actually, ready na rin ang aming mga motorcades and community campaign sa iba’t-ibang sulok Quezon City, Rizal, Cavite at Batangas,” dagdag pa ng convenor.

Lumikha ng ingay ang MarSo noong nakalipas na linggo matapos maispatan ng Maharlika TV roving team ang grupo ng mga traysikel drayber sa bayan ng San Mateo, at Montalban sa Rizal na bumibiyahe sa kanilang mga ruta at may nakakabit na MarSo tarps sa likuran ng kani-kanilang sidecar.

Kaparehong grupo din ng tricycle drivers ang namataan sa Novaliches sa Kyusi na nagsasagawa ng mini-motorcade na may nakakabit din na mga MarSo tarpaulin sa likod ng kanilang trikes at kotse. (Jello)

Leave a Reply