TULOY ANG LABAN: 4 na presidentiables nagsanib-puwera sa pagdeklarang walang atrasan ng kanilang kandidatura

TULOY ANG LABAN: 4 na presidentiables nagsanib-puwera sa pagdeklarang walang atrasan ng kanilang kandidatura

Isa isang sinasagot nina presidential candidate Mayor Isko Moreno (kaliwa), dating  Defense Secretary Norberto Gonzales (gitna) at Senator Ping Lacson ang tanong ng mga mamamahayag sa joint presscon sa Manila Peninsula hotel tungkol sa pagkaklaro sa kanilang kandidatura at pangungulit ni Leni Robredo na umurong sila at umanib na lamang sa kanya. (Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

MANILA — Sa kabila ng patuloy na pagbaba sa mga resulta ng ilang mga survey sa bansa ay tiniyak ng apat na mga presidentiables na tuloy na tuloy ang kanilang laban at walang atrasan hangang sa May 9, 2022 election.

Ito ang pinagkasunduan nina Presidential Candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson at Emmanuel Manny “Pacman) Pacquiao, Manila Mayor Isko Moreno at dating Security Adviser Norberto Gonzales kahapon, Eastern Sunday, sa pinagsanib nilang press conference sa Manila Peninsula Hotel.

Bilang pagpapatunay na nagkakaisa sila ay lumagda sila sa isang kasunduan na pagtitiyak ng pagkakaisa para sa isang malinis, mapayapa at demokratikong halalan.

Tiniyak ng naturang mga presidential candidate na kanilang igagala ang anumang resulta ng halalan batay sa tamang proseso na itinatadhana ng bansa.

Siniguro pa ng mga nabanggit na kandidato na kanila ding lalabanan at pipigilin ang anumang pagkilos na taliwas sa tamang proseso at sa demokrasyang pamamaraan.

Nagtataka din ang mga presidentiables na sa kabila ng sila ay patuloy na mababa pa din sa survey ay patuloy pa din ang fake news at mis-information campaign laban sa kanila.

Iginiit ng mga presidentiables na kung paano sila naghain ng kanilang kandidatura na kasama ang kani-kanilang mga ka-tandem ay ito din ang magaganap hanggang sa halalan.

Pagtitiyak nilang walang iwanan ng ka-tandem na magaganap at hindi tatalikod sa anumang napagkasunduan.

Nanawagan din sa publiko ang mga presidentiables na huwag naman sila balewalain at itsapwera dahil sila ay pawang mga kandidato rin.

Umaasa ang mga presidential candidates na matapos silang magpahayag ng kanilang pagkakaisa ay tiyak na mababago ang resulta ng mga susunod na survey.

Binigyang-diin ng mga kandidato na hindi lamang dalawa ang tumatakbong pangulo kundi 10 sila. (Nino Aclan/ai/mtvn)

Leave a Reply