FACE-TO-FACE GRAD CEREMONY NG PNPA DADALUHAN NI PRRD

FACE-TO-FACE GRAD CEREMONY NG PNPA DADALUHAN NI PRRD

Ni Arwen Pascua

MANILA — Makaraan ang dalawang taon, muling magsasagawa ng face -to-face graduation ceremony ang Philippine National Police Academy sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite.

Panauhing pandangal sa gagawing FTF graduation ceremony sa April 21 ay si Pangulong Rodrigo Duterte.

Top 10 naman ng ALAB KALIS CLASS OF 2022 na iprisenta sa media ay ang 10 class valecdictorian na sina:

  1. P/Cdt Ernie Padernilla, Passi City, Iloilo
  2. P/Cdt Regina Joy Caguioa, Taguig City
  3. P/Cdt Precious Lee ,San Juan City, MM
  4. P/Cdt Fidel Triste III, Palo, Leyte
  5. P/Cdt Geneva Flores, San Carlos City, Pangasinan
  6. P/Cdt Zoe Seloterio, Sta. Barbara, Iloilo
  7. F/Cdt Neil Navalta, Diffun. Quirino
  8. P/Cdt Mhar Viloria, Pugo, La Union
  9. J/Cdt Colynn Panganiban, Antipolo City
  10. P/CDT ALYSSA BANTASAN, Bauko Mt. Province

Mahigpit ang bilin sa kanila ni PNP Chief General Dionardo Carlos na tiyakin na isabuhay ang mga nakuhang aral sa akademya kapag napabilang na sa PNP, Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology.

Sa kabuuan, 226 ang magtatapos ngayon taon mula sa PNPA na hahatiin sa PNP, BJMP at BFP.

Ang pamamahala ng PNPA ay nasa ilalim na ngayon ng PNP mula sa dating Philippine Public Safety College (PPSC). (ai/mtvn)

Leave a Reply