Atty. Alex Lopez namayagpag sa surveys

Atty. Alex Lopez namayagpag sa surveys

MANILA — Namayagpag si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) Manila City mayoral candidate Atty. Alex Lopez sa isinagawang Manila Mayoral Candidate Poll ng Far Eastern Research nitong Abril 7-14, 2022 at hiwalay pang pollster.

Si Lopez ay siyang opisyal na kandidato ng BBM-Sara tandem sa Maynila.

Nakakuha si Lopez ng 20,064 preference votes o 65.63% ng kabuuang bilang ng mga boto.

Pumangalawa naman kay Lopez ang katunggaling si Honey Lacuna na nakakuha ng 18.83% kasunod sina Amado Bagatsing (15.33%), Elmer Jamias (0.11%) at Cristy Lim (0.11%).

Lahat-lahat, mayroon 30,571 respondents ang naturang pa-survey.

Nagsagawa rin ng isa pang hiwalay na survey ang Original Matang Manila for Charity Media (OMMCM) Est 2019, nitong April 9-19, 2022 na mayroon naman 20,000 kabuuang respondents.

Isang volunteers group ang OMMCM na nakabase sa lungsod ng Maynila.

Nangunang muli rito si Atty. Lopez sa OMMCM survey kung saan nakakuha niya ang mataas na 56% preference.

Samantala, ang nakuhang bilang ng boto ng ibang kandidato sa pagka-alkalde na sina ni Honey Lacuna, ay may 32%; Amado Bagatsing, 7%; Cristy Lim, 4%; at Elmer Jamias, 1%.

Maging sa naunang isinagawang survey ng OMMCM kamakailan, nakakuha din si Lopez ng 58% ng may kabuuang 1,000 bilang ng mga respondents, 29% si Lacuna; at undecided o di pa nakapagpasya ang 13% sa mga ito.

Nanguna rin si Atty. Lopez sa face to face survey na isinagawa ng mga field reporters ng pahayagang Police Files Tonite (PFT) na may 37 boto, pumapangalawa si Lacuna (29), sumunod si ex-Cong. Bagatsing (19). Labing lima (15) ang undecided.

Wala namang pumabor kina retired General Jamias at Christy Lim, anak ni dating Mayor Fred Lim.
Isinagawa ang mga nasabing survey upang matukoy ang pulso ng masa sa lungsod ng Maynila. Hindi mapagkakaila sa mga resulta ng survey na si Atty. Alex Lopez ang mas gusto ng mga Manilenyo.

Nagpapahiwatig ito na nagsusumamo ang taumbayan upang magkaroon ng bagong pinuno ng bayan na gagabay sa tungo sa makataong kaunlaran.

Ang mga matataas na marka na nakuha sa mga survey ni Atty. Alex, maaaring resulta ng kanyang patuloy na paglaganap ng kanyang katanyagan na dala rin ng kanyang mga isinusulong na adhikain para sa mga Manilenyo.

Mabilis na tinutugunan ni Atty. Alex ang mga hinaing ng mga maralitang mamamayan kung saan pinangunahan nito ang pagsasampa ng petisyon para sa agarang pagpapalabas ng food packs at social amelioration ng mga senior citizens.

Mas nakilala ng mga tao si Atty. Alex dahil sa kanyang patuloy na pagbaba sa mga komunidad na hindi kailanman pinuntahan ng kandidtato ng kasalukuyang administrasyon ng lungsod ng Maynila.

At kamakailan, umangat din ng husto si Atty. Lopez sa mga ginanap na forum ng De La Salle University, Federation of Filipino-Chambers of Commerce & Commerce & Industry, Inc (FFCCCII) at ng National Press Club of the Philippines (NPC).

Mahalaga ang mga survey at debate upang matantiya ang posibleng resulta ng botohan ng kandidato sa darating na halalan ngayong Mayo 9.

Makikita ang kabuuan ng resulta ng Manila Mayoralty Candidate Poll sa https://fareasternresearch.com/en/poll/NQ==?fbclid=IwAR1saBsnPHkAgwg4dUI2qWPqEXlHkR4w1MdSn8azcjsvH8-BwRAXZn-DuJo o sa Official Facebook Page ng Far Eastern Research. (ai/mtvn)

Leave a Reply