Comelec at SM naglunsad ng ‘voter education vote’

Comelec at SM naglunsad ng ‘voter education vote’

MANILA — Pormal nang nagsanib puwersa ang Commission on Elections (Comelec) at ang SM Supermalls para maglunsad ng voter education vote sa 78 branches ng SM malls sa bansa.
Ito ay matapos na lumagda sa isang kasunduan ng dalawang grupo sa kanilang inilunsad na ang temang “Let’s Vote Pinas” na kung saan sa bawat mall ng SM ay mayroong ilalagay na lugar para isagawa ang voter education vote.

Ayon kina Comelec Chairman Saidamen Pangarungan at Steve Tan, president ng SM Supermalls, layon ng kanilang kasunduan na sanayin at maituro sa mga bawat botante ang pamamaraan ng tamang pagboto.

Sinabi naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ito ay maaring pakinabangan hindi lamang ng mga empleyado ng mga malls kundi ng mga customer ng mall botante man o hindi.

Iginiit ni Jimenez na hindi lamang naman ngayong Mayo 9, 2022 ang halalan kundi mayroon pang mga susunod.

Tiniyak ni Jimenez na ang mga Voting Counting Machines(VCM) na kanilang gagamitin sa voters education vote ay hindi ang mga VCM na kanilang gagamitin sa mismong halalan.

Bagkus, ito ay kanilang gagamiting bilang mga contigent machines lamang subalit ito ay hindi mananatili sa bawat SM Supermalls dahil bago ang nakatakdang halalan ay kailangan na nila itong bawiin.

Siniguro pa ni Jimenez na ang bawat gagamitin nilang balota na ipapasok sa VCM ay pawang mga walang nakalagay na pangalan ng sinumang kandidato.

Target ng naturang programa ang mabigyan ng edukasyon o kaalamaan at kasanayan sa pagaboto ang walong daang katao kada-araw.

Nagpapasalamat naman si Tan sa patuloy na tiwalang ipinagkakaloob ng Comelec sa SM Supermalls para sa mga proyekto ng pamahalaan.

Dahil dito libreng magagamit ng Comelec ang bawat lugar na kanilang gagamitin sa lahat ng SM supermalls sa kanilang ilulunsad na voter education votes.

Tinukoy pa ni Tan na naging katuwang din ng Comelec ang SM sa kanilang malawakang voter registration at tiniyak na lagging karuwang ng pamahalaan ang kanilang kumpanya sa paglulunsad ng mga programang mapapakinabangan hindi lamang ng bansa kundi ng bawat mamamayan.

Nagpapasalamat naman si Pangarungan sa suporta at mabilisang aksyon ng kumpanya sa programang ito ng pamahalaan. (Nino Aclan/ai/mtvn)

Leave a Reply