PNP ZERO NA SA COVID-19

PNP ZERO NA SA COVID-19

Ni Arwen Pascua

MANILA — Nakamit na ng Philippine National Police (PNP) ang target na flat curve sa COVID-19 status makaraan ang isang taon, isang buwan at apat na araw.
Sa datos ng PNP-Health Service, gumaling na ang isang natitirang may sakit habang wala namang naitalang dinapuan ng virus sa organisasyon.

Pumalo naman sa 48,862 ang kabuuang kaso ng COVID-19 mula noong Marso 2020; ang nakarekober ay 48,733 habang ang nasawi ay 129.

Ang unang death record ay sa kasagsagan ng pananalasa ng coronavirus disease noong Abril 1, 2020 sa panahon ni dating PNP Chief, Ret. Gen. Archie Gamboa.

Samantala, pumalo na sa 218,829 na pulis ang tumanggap ng booster shot; 223,650 personnel ang fully vaccinated , 331 ang naghihintay ng ikalawang dose ng bakuna at 471 ang hindi pa nababakunahan.

Sa panimula ng coronavirus disease ay puspusan ang pamahalaan sa paglaban dito at sa PNP ay binuno ang Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) na naglalayung mangalaga organisasyon kasama na ang logistics para maiiwas ang mga pulis sa sakit at ito ay pinangunahan noon ni Ret. Gen. Camilo Pancratitus Cascolan, noon ay PNP Deputy Chief for Administration na kinalaunan ay naging PNP chief at ngayon ay kasalukuyang Executive Director ng Anti-Terrorism Council.

Habang ang itinatag na JTF-COVID- Shield ay para naman sa deployment ng mga pulis para pangalagaan naman ang publiko at ito ay pinangunahan ng dating PNP Deputy Chief for Operations na si Ret. Gen. Guillermo Eleazar na naging PNP chief din. (ai/mtvn)

Leave a Reply