TRENDING NA VIDEO NG PAMAMARIL SA PULONG NI KA LEODY FAKE NEWS!

TRENDING NA VIDEO NG PAMAMARIL SA PULONG NI KA LEODY FAKE NEWS!

Ni Arwen Pascua

MANILA — Fake news ang post ng kampo ni Presidential Aspirant Ka Leody De Guzman na pinuntirya ang kaniyang pakikipagpulong sa magsasaka sa isang pinyahan sa Barangay Kiantig, Quezon, Bukidnon nitong Martes, Abril 19.
Ayno kay Philippine National Police Spokesperson Col. Jean Fajardo, ito ay base sa ulat na natanggap niya mula sa Chief of Police ng Quezon Municipal Police Station, at Bukidnon Provincial Director.
Nilinaw ni Fajardo na ang nagpapaputok ng baril ay mga warning shot mula sa mga security guard ng isang pribadong plantasyon na tinangkang pasukin ng grupo ng mga katutubo.

Dito na aniya nagkaroon ng komosyon at nagtakbuhan ang mga katutubo kung saan nagkaroon ng minor injuries ang Ilan sa kanila.

“Yung isa aniyang inulat na sugatan ay dinala sa ospital pero hindi pa malinaw kung tama ng bala ang sanhi ng pagkasugat nito,” ayon kay Fajardo.

Base aniya sa inisyal na imbestigasyon, bago lumusob ang mga katutubo, kausap nila ang grupo ni Ka Leody, kaugnay ng kanilang pag-ankin sa lupain ng plantasyon.

Dagdag ni Fajardo, una na aniyang nag-usap ang mga katutubo at ang may-ari ng plantasyon na hintayin ang resolusyon ng mga awtoridad sa kaso ng lupa, pero maaring may nag-udyok sa mga katutubo na lusubin ang plantasyon.

Una nang sinabi ni Lt. Col. Michelle Olaivar, public information officer ng Police Region Office-10 na walang koordinasyon sa pulisya ang pagtungo ni Ka Leody sa lugar at nang rumesponde ang pulisya saka nakumpirmang nandoon ang dating Labor leader at dalaw ang senatoriables nito. (ai/mtvn)

(Photo courtesy of PSSg James Paul Dargantes, Police Region Office -10/ai/mtvn)

Leave a Reply