Bagong tambalang ‘MarSo’ itinutulak ng PhilTraM

Bagong tambalang ‘MarSo’ itinutulak ng PhilTraM

Pinapakita sa media ni PhilTraM national chairman Aio Bautista (pangalawa mula kaliwa) ang kanilang opisyal na press statement na bumabalangkas kung bakit nila isinusulong ang MarSo.

MANILA — Para sa Philippine Transport Monitor (PhilTraM) hindi pa huli na isulong at ikampanya ng todo ang tambalang ‘MarSo’ nina UniTeam presidential frontrunner Ferdinand ‘Bong Bong’ Marcos Jr., at Nationalist People’s Coalition (NPC) vice presidential bet Vicente ‘Tito’ Sotto lll, ilang linggo bago ang nasyunal at lokal na halalan sa Mayo 9, 2022.

“Put together, isang perpektong tambalan and meron po ang MarSo nina Bongbong Marcos at Tito Sotto,” pahayag ni PhilTraM national chairman Aio Bautista kahapon sa press conference bilang pormal na paglulunsad ng pinakabagong tandem sa Quezon City.

“It’s a longshot, but we’re still hopeful that MarSo can still attract attention and change the course of the coming election lalo na po sa mga undecided pa or what they call as soft voters,” ani Bautista.

Ayon sa PhilTraM, na tinatayang may 20,000 na mga miyembro sa buong bansa na suportado ng kababaihan, gayundin sa hanay ng mga kabataan at religious group, gugugulin nito ang mga natitirang araw at linggo hanggang sa aktuwal na botohan sa Mayo 9, 2022.

Ani Bautista, may mga pagsusulong na silang ginawa para sa ‘MarSo’ para maitanim sa kamalayan ng publiko sa mga unang araw pa lamang ng Marso pero tahimik lang umano nila itong tinatrabaho.

Napagpasyahan ng PhilTraM na suportahan ang kandidatura ni BBM at Tito Sen kung saan tinatakbuhan nila ang pinakamataas na posisyon sa bansa at kapwa may parehong programa na nakatuon tungo sa pagkakaisa at kapakanang maiangat ang mga mahihirap lalo na ang sektor ng transportasyon.

“Itinutulak ni BBM and unifying leadership. Si Tito Sen (Sotto) naman isang tunay na player. Sa mahabang panahong paglilingkod sa publiko, Nakita natin kung gaano katatag ang Senado dahil isang magaling na player si Senate President Tito Sotto,” pagdidiin pa ni Bautista.

“Kung magsasama sila, walang duda sa kaunlaran at katiwasayan ng pamumuhay ang tungo ng sambayanan at ng transport sektor,” ani pa Bautista.

“Pinili namin si BBM at si SP Sotto at isinusulong namin ang MarSo dahil nais naming ipakita sa sambayanan ang isang ‘maasahan at makapaglilingkod ng tapat na tambalan na isang alternatibo para sa botanteng Pinoy,” sambit pa ni Bautista.

Inulit ni Bautista na ang kanilang pagkilos ay inisyatibo mismo ng PhilTraM, pero nananatiling bukas ang grupo sa anumang suporta na makatutulong na maipanalo ang MarSo tandem pagdating ng eleksiyon.

Gayundin. ani pa ni Bautista na kanila nang inatasan ang kanilang mga miyembro para sa agresibong ikampanya ang MarSo sa pamamagitan ng mga pagkikipagusap sa komunidad, caravan, motorcade, rally at anupamang makapaghihikayat para maitaas ang awareness level ang tambalang MarSo.

“Kailangan namin ng isang masiglang kampanya. As early as March may mga ginawa na kaming pagkilos on the ground sa San Mateo, Montalban in Rizal gayundin sa Novaliches at Kalookan. May mga pagkilos na rin kami sa Cebu. Tulong-tulong lahat, pero kung may nais pang tumulong welcome po ang lahat,” dagdag ni Bautista.

Si Sotto ay nasa likod ni front-runner Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa mga poll surveys ngunit positibo si Bautista na makakahugot pa ng isang malaking sorpresa ang tambalang MarSo.

“May 18 araw pa bago ang halalan. Nagkakaroon na rin ng pagtatambal-tambal sa mga kandidato. But the best alternative na nakita namin para talagang maipagpatuloy ang nagkakaisang liderato sa ating bansa, iboto natin ang Marso.. Sa MarSo, Masa ang Panalo,” sambit ni Bautista. (ai/mtvn)

Leave a Reply