KAMPO NI LENI NAGKAKAGULO; PAGIGING ADVISER NI JOMA IKINAGALIT NG ILANG DILAWAN

KAMPO NI LENI NAGKAKAGULO; PAGIGING ADVISER NI JOMA IKINAGALIT NG ILANG DILAWAN

Si dating SC Asso. Justice Antonio Carpio, CPP-NPA chair Joma Sison, at Leni Robredo (Politiko courtesy)

MANILA — Nagkakagulo ngayon sa kampo ni Leni Robredo dahil ilan sa namamahala sa kampanya ng dilawan ay nagagalit kung bakit kinuha pa niya bilang adviser si Joma Sison na founder ng teroristang grupong Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA).

Kung matatandaan, lumabas sa ulat ang isang intelligence report na si Joma ang isa sa kumukumpas sa kampanya ni Robredo.

Tahasan aniyang nakikialam ito kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin ni Robredo para manalo sa darating na May 9 elections.

Gusto ng ilang political adviser ni Robredo na direktang maglabas ito ng pahayag na kinokondena ang gawaing terorista ng mga New People’s Army (NPA).

Ngunit dahil tali ang kamay ni Robredo at nagpapadikta kay Joma, ayaw nitong maglabas ng anumang statement kontra sa mga teroristang CPP-NPA.

Nakarating na rin sa kaalaman ng ilang adviser ni Robredo na ilang teroristang NPA na rin ang hayagang nangongolekta ng ‘revolutionary tax’ sa mga kanayunan para aniya sa kandidatura ng reyna ng lugawan.

Ang masaklap, ang perang nakukubra mula sa panghuhuthot sa mga mahihirap na kababayan sa probinsiya ay hindi naman nakararating sa campaign team ni Robredo kundi ginagamit na itong personal ng mga terorista.

Aminado ang ilang adviser ni Robredo na isa sa dahilan kung bakit hindi pa rin ito makaangat sa survey dahil sa batik na may alyansa ito sa mga teroristang NPA.

Kahit ang lumabas na isyu na nagbanta ito na magkakagulo sakaling matalo sa eleksyon ay ayaw bigyang linaw ni Robredo.

“Si Barry Gutierrez ang pinapasagot niya. Dapat bilang vice-president ng Pilipinas ay siya mismo ang magsalita tungkol dito. Itanggi niya ang pakikipag-alyansa sa mga komunista at itanggi rin niya na may banta siya ng kaguluhan,” sabi ng university professor na miyembro ng civil society at supporter ni Robredo.

“Moral responsibility niya ang maglabas ng categorical statement na anuman ang magiging resulta ng election ay maluwag niyang tatanggapin. Pero dahil walang ganitong pahayag, hindi natin masisisi ang tao kung maniwala na totoong nakikipagsabwatan na ito kina Joma at teroristang NPA,” anang isang elitistang miyembro ng kampo.

Ilang oligarch na rin ang nangangamba ngayon na tuluyang masira ang kanilang negosyo sakaling manaig ang kaguluhan bunsod ng banta ng mga teroristang NPA.

Maging ang ilang kapanalig ni Senador Antonio Trillanes ay nagdadalawang isip na rin kung tutulungan pa ba si Robredo sa kampanya o bibitawan na nila ito dahil ayaw nilang mahaluan sila ng mga komunista.

Matatandaan na mismong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Ping Lacson ang unang nagkumpirma ng alliance nina Robredo at teroristang NPA.

Sinusugan din ito sa Manila Pen press conference ni dating Defense Secretary at ngayo’y presidential candidate Norberto Gonzales sa pagsasabing lahat ng pangitain at galaw ng teroristang NPA ay nakikita sa kampo ni Robredo. (ai/mtvn)

Leave a Reply