TAMARAW FX NAHULOG SA BANGIN; 6 PATAY, 2 SUGATAN

TAMARAW FX NAHULOG SA BANGIN; 6 PATAY, 2 SUGATAN

Ni Arwen Pascua

MANILA — Anim na kabataan ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan naman ang dalawang iba matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyan sa Catengan, Besao, Mountain Province.

Ayon kay Police Captain Marnie Abellanida, Spokesperson ng Cordillera Police, naganap ang aksidente kahapon.

Mga kabataan umano ang mga biktima na ang edad ay 17 hanggang 21 anyos na galing pa ng Ilocos Sur.

Aniya sakay ang mga pasahero ng Tamaraw FX na nahulog sa bangin na tinatayang 100-metro ang lalim.

Sinasabing posibleng malakas na ulan ang dahilan kaya naganap ang aksidente

Nakuha na ang lahat ng mga biktima sa nahulog na sasakyan at agad na idineklarang patay ang anim ng mga rumesponde habang dinala sa ospital ang dalawang nakaligtas. (ai/mtvn)

Leave a Reply