Lopez ipinagmalaki ang mainit na suportang ipinakita ng mga Manilenyo sa UniTeam

Lopez ipinagmalaki ang mainit na suportang ipinakita ng mga Manilenyo sa UniTeam

Si Atty Alex Lopez habang nagsasalita at ipinakikilala sa entablado ang mga bumubuo ng UniTeam sa Grand Rally sa Maynila nitong Sabado

Ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Libo-libong supporters ang dumalo sa isinagawang Grand Rally ng BBM-SARA Uniteam nitong Sabado, 23 April 2022, ng Abril sa Earnshaw, Sampaloc, Manila, patunay lamang kung gaano kamahal ng mga Manilenyo ang panalong tambalan.

Buong pagmamalaki rin na ikinuwento ni Manila mayoral candidate Atty. Alex Lopez kung gaano kainit ang pagsalubong ng mga tao sa tropang UniTeam lalo na’t siya mismo ang nanguna sa pag-oorganisa sa matagumpay na aktibidades na lalo pang nagpatingkad sa tsansa ng UniTeam.

Kaalyado si Atty Lopez ng UniTeam kasama ang kanyang ka-tandem na si VM bet Raymond Bagatsing kabilang ang mga nasa hanay sa konseho at kongreso.

Sa unang pagkakataon, nagkasama ang magkapatid na sina Atty. Alex at Congressman Manny Lopez ng Distrito 1, kasama ang kanilang pinsan na nagbabalik na si Cong. Carlo Lopez sa nasabing Grand Rally.

Nagpakita ng pagsang-ayon ang kanilang tagasuporta at sinabayan ito ng malakas at paulit-ulit na sigaw na “Lopez! Lopez! Lopez!” at “BBM-Sara!, BBM-Sara!, BBM-Sara!”

Pinangunahan naman ng orihinal na “Tanging Ina” na si Ai-Ai delas Alas at ang namumukod tanging si Bayani Agbayani ang pinakamahalagang parte ng programa. Ilan sa mga naunang performers at artists ang Plethora Band, X-Battalion, at Hale.

Nakiisa din ang ang mga tumatakbong senador na sina Migz Zubiri, Larry Gadon, Mark Villar, Harry Roque, Win Gatchalian, Gringo Honasan, Jinggoy Estrada, at Herbert Bautista.

Nagpapasalamat si Mayor Inday Sara kay Atty. Alex Lopez at sa kanyang mga kasama dahil naging matagumpay ang Grand Rally sa Manila.

Buong galak naman na ipinakilala ni Atty. Alex si Senador Bongbong Marcos sabay pahayag na aniya ay kaisa sila sa layunin ng BBM-Sara Uniteam.

Ito ay ang mapaigting ang pagsugpo sa problema sa kahirapan ng bansa.

Ipinakita ng kaganapang ito ang pagkakaisa para sa ating Inang Bayan!

At pinatunayan ng naturang Grand Rally ang mga naglabasang surveys kung saan nangunguna sina BBM, Sara, Atty. Alex, at Raymond para sa darating na May 9 polls.

Nagtapos ang makasaysayang programa ng pagtataas ng kamay nina BBM at Sara sa mga tumatakbong kandidato ng Maynila na pinangungunahan ni Atty. Lopez at Raymond Bagatsing.

“Solid ang Maynila sa tambalang UniTeam sa Maynila,” wika ni Marcos, Jr. (ai/mtvn)

Leave a Reply