MarSo nagsagawa ng malaking motorcade sa Batangas nitong Linggo

MarSo nagsagawa ng malaking motorcade sa Batangas nitong Linggo

Nilusob ng grupong nagtutulak sa tambalang Marcos-Sotto o MarSo nina Bongbong Marcos at Senate President Tito Sotto ang lalawigan ng Batangas sa pagsasagawa ng isang malaking motorcade na kumpleto ng balakatak o patuloy na pagpapatugtog ng campaign jingle ng pinakabago at tinaguriang perpektong tamba lan para sa darating na halalan sa Mayo, 9, 2022.

Ayon kay Philippine Transport Monitor (PhilTram) national chairman Aio Bautista, matapos ang motorcade na bumaybay sa dalawang malalaking lungsod ng Batangas partikular na ang Tanauan at Sto. Tomas City, pinili nilang isulong ang tambalang MarSo dahil sa paniniwalang matutugunan ng dalawang kandidato ang kapakanan at karapatan ng transport sektor na kanilang kinabibilangan.

Maliban sa Batangas, nakatakda pang magtungo at magsagawa ng katulad na pag-iingay-pakilala ang PhilTram ng tambalang MarSo sa lalawigan ng Rizal, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Pangasinan, Ilocos at iba pang rehiyon ng Norte ayon pa kay Bautista. (ai/mtvn)

Leave a Reply