Panibagong ‘financial mess’ ng Manila City hall, kinuwestyon!

Panibagong ‘financial mess’ ng Manila City hall, kinuwestyon!

Ipinapakita ni dating Manila Mayor Amado Bagatsing ang mga listahan ng mga assets ng Maynila na ibinenta ng kasalukuyang pamahalaan

MANILA — Muling nawindang ang pamahalaang lungsod ng Maynila nang tuligsain ni mayoral candidate Amado “Daddy A” Bagatsing ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa isyung pinansyal.

Ayon kay Bagatsing, base sa kanilang nakuhang dokumento mula mismo sa website ng Department of Budget and Management (DBM), na ang pera ng Pamahalaang Lungsod ay nasa P44 Billion para sa taong 2022 na galing umano sa mga ibinentang ng assets ng Maynila.

Kabilang sa mga ibinentang assets o properties ng Maynila ay ang Quiricada fire station, City College of Manila sa Escolta, Divisoria mall at iba pa.

Kinalampag ni Bagatsing ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila para malaman ng publiko kung ano-ano ang mga pag-aari ng mga Manilenyo na naibenta na dahil hanggang sa kasalukuyan bulag ang mga ito dahil hindi naging transaparent ang kasalukuyang administrasyon ni Mayor Isko Moreno, na tumatakbo ngayon sa pagkapangulo ng bansa.

Karamihan pa ng mga ito ay mga ipinagbili diumano sa panahon pa ng pandemya.

Sinabi pa ni “Daddy A,” na hindi maaaring Divisoria at isang building sa Escolta lamang ang kabuuan ng P44B dahil masyado aniyang malaki ito at ano ang breakdown nito at kung naging tama ba ang presyo ng bentahan o nadehado ang Pamahalaan ng Maynila.

Karapatan aniya ito na malaman ng bawat Manilenyo kung paano tatakbo ang lungsod.

Idinagdag pa ni Bagatsing na mayroon naman palang pera ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila bakit kailangan pang mangutang ng bilyon-bilyong piso at gamitin sa pagpapatayo ng mga gusali at pagsasaayos ng Manila zoo.

Ayon pa kay Bagatsing, hindi naging tama ang pamamahala kaya naging bagsak ang presyo ang naging bilihan sa Divisoria mall.

Aniya, masyadong powerful ang mga grupong nakapuwesto sa kasalukuyang administrasyon dahil kontrolado nila ang konseho at kung ano ang gusto nilang gawin dominante nilang lahat.

Kung ano ang hilingin ng alkalde (Moreno) iyon ang kanilang susundin. Kahit walang public hearing nagagawa ng nasabing grupo.

Mariing sinabi ni Bagatsing na hindi naman bangkarote ang lungsod ng Maynila, nagtataka ito kung bakit kailangan magbenta lalo na ng mga tinaguriang “patrimonial property.”

“Si Patty at si Edi kasali na nakikinabang pero ang sambayang Manilenyo ‘di kasama sa sindikato ng malaking parte ng konseho,” wika ni Daddy A.
Hiling ni Amado sa mga Manilenyo na 2 linggo na lang sana suriin mabuti kung sino ang nararapat nilang ibotong bagong mayor ng Maynila. (ai/mtvn)

Leave a Reply