Pag-withdraw ni Marcoleta ng kandidatura kinumpirma ng Comelec

Pag-withdraw ni Marcoleta ng kandidatura kinumpirma ng Comelec

House Deputy Speaker Dante Marcoleta

MANILA — Kahapon ay kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na nag-withdraw na nga o umatras na sa pagtakbo bilang senador sa darating na halalan si House Deputy Speaker Dante Marcoleta.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, tinanggap na ng komisyon ang withdrawal letter ni Marcoleta.

Hindi naman na idenitalye pa ng komisyon ang dahilan ng pag-withdraw ni Marcoleta.

Kaugnay nito wala namang inilalabas na anumang pahayag si Marcoleta ukol sa kanyang pag-withdraw. (Nino Aclan/ai/mtvn)

Leave a Reply