Planong pagbabalik ng ‘nutribun’ ni BBM patok lalo sa single parents

Planong pagbabalik ng ‘nutribun’ ni BBM patok lalo sa single parents

Fact Check: Kagawa-gawa ba ang planong programa ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa mga single parents at kanilang mga anak?

Nais muling isulong ni presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ang “nutribun” sa mga paaralan sa Pilipinas. Aniya marapat na pang-hawakan ng mga eskwelahan ang mga feeding program at healthcare para sa mga bata. Naniniwala si Bongbong na lubos itong makakatulong sa mga single parents.

“Mga napag-usapan natin ‘yung mga feeding program and healthcare ng mga bata, dapat kasama na ‘yan sa mga eskwelahan. Dapat meron silang checkup, tinitingnan sila ng mga nurse, ng doktor. Tapos may feeding program, ‘yung nutribun natin, ‘yung binibigay dati sa mga bata, isang malaking tinapay na ganun, na pwede na for one day (When we talk about the feeding programs and healthcare of children, these should be included in schools. They should get checkups, be checked on by nurses and doctors. Then there should also be a feeding program, like the nutribun that was given to children before. A big piece of bread that was enough for one day),” ani Bongbong.

Totoo ba na kagawa-gawa ang planong programa ni “Bongbong” Marcos para sa mga single parents at kanilang mga anak?

Rating: True!

Nais ni Bongbong na maisulong muli ang mga libreng pagkain at inumin katulad ng nutribun at Klim, at regular na check-up sa mga paaralan.

Ang mga ito ay makakatulong upang maiwasan at masolusyunan ang problema ng malnutrisyon sa bansa. Plano din ni Bongbong na magpatayo ng mga daycare center. Ito ay para matulungan ang mga single parents na maka-focus sa kani-kanilang mga trabaho.

“Sa aking palagay, lalo na ‘yung solo parent, ‘yung single parent. Nagtatrabaho pero may inaalagaan na bata. So ang pagandahin natin ang support ng daycare center natin (In my opinion, especially among solo parents who work and have to take care of children, we should improve support for our daycare centers),” sagot ito ni Bongbong sa katanungan ng isang single-parent sa isang town hall meeting na ginanap kamakailan sa Sultan Kudarat.

Idinagdag pa ni Bongbong na nais niya ding bigyan ng honorarium payments ang mga volunteer ng daycare center, bilang pasasalamat na din sa serbisyo at pagtulong nila.

“Sa ngayon ang mga daycare volunteer natin ay volunteer, wala silang bayad na kahit ano. ‘Yung ibang local government unit (LGU) nakakapagbigay sila ng honorarium. Ang proposal ko matagal na, nasa Congress pa ako, nasa Senado pa ako, matagal ko na sinasabi. Dapat ‘yung mga volunteers ay bigyan na ng honorarium dahil naman napakalaki at napaka-importante ng ginagawa (Daycare workers are volunteers, they don’t have any salary whatsoever. Other LGUs distribute honorarium payments. My proposal since I was in Congress and in the Senate has been to give honorarium to volunteers because the work they do is important),” ani Bongbong.

Mga planong hakbang ni Marcos Jr. upang makatulong sa mga single parents at kanilang mga anak:

• Pagpapatupad muli ng nutribun

• Pagbibigay ng libreng pagkain sa mga paaralan

• Pagsulong ng libreng check-up para sa mga mag-aaral

• Pagpapatayo ng mga daycare center para maalagaan ang mga anak ng single parents habang sila ay nasa trabaho

• Pagbibigay ng honorarium payment sa mga volunteer ng daycare center bilang pasasalamat sa kanilang serbisyo.

Mga source:

Mga plano ni Bongbong Marcos patungkol sa pag-tulong sa mga single parents:

https://www.sabongonlinegame.com/sabong-news/00002113.html

Fact-check by: Mina A

For more News, Showbiz and Sports updates visit our official Social Media Accounts:
http://www.maharlika.tv
http://www.facebook.com//MaharlikaTVNow
http://www.youtube.com//MaharlikaTVNow
http://www.facebook.com/MaharlikaTVShowbizAndSportsOfficial (ai/mtvn)

Leave a Reply