Tambalang MarSo ‘first choice’ ng mga taga-Norte

Tambalang MarSo ‘first choice’ ng mga taga-Norte

NUEVA Ecjia —Hindi na nagulat pa ang nagsusulong ng “MarSo” nina presidential leader Bongbong Marcos at Senate President Tito Sotto sa mainit na pagtanggap ng mga mamamayan ng Norte para suportahan ang sinasabing alternatibong tambalang “Marso, Masa Panalo.”

Ayon kay Philippine Transport Monitor (PhilTraM) national chairman Aio Bautista, magaan ang biyahe nila dahil sa magandang trato sa kanila ng mga mamamayan sa bawat bayan na kanilang tigilan gaya ng Pampanga, Pangasinan, Nueva Ecijang at iba pa.

“(Tito) Sotto ako solid. Sa Presidente gusto ko rin si BBM,” sambit ni Aleng Lucita Villanueva habang ang isa pang batang babae na namamahala ng water refilling station dito ay naniniwala na magiging maayos ang gobyerno sa gaya ng mga lider na sina Marcos at Sotto.

“Kami ng pamilya ko Sotto talaga. Si BBM first choice din namin,” sambit ni Virgie Santos.

Maliban sa dagliang kumustahan sa townhall, nagdikit at nagkabit din ang tropang PhilTraM ng banner at tarpaulins sa mga dinadaanang istratehikong lugar.

Namigay din sila ng mga polyetos sa Solano, Nueva Viscaya.

Bukas palad at maalab na pagsalubong sa Tropang MarSo ng mga mamamayan kasama na ang ilang mga riders mula sa iba’t ibang motorcycle clubs sa probinsiya.

“Actually, narinig ko na itong tambalan nina Marcos and Sotto, puwede naman pala. Ok sa amin ito,”bulalas ng isang vendor ng isdang tuyo sa Mexico, Pampanga public market.

Isang bata pang dalaga naman na nagtitinda ng banana cue at balut, aniya nasa isipan na niya si Marcos at Sotto bilang kanyang “first choice” sa nalalapit na eleksyon sa Mayo 9, 2022.

“We believed that Marcos and Sotto is the most qualified leaders to run the government for the next six years. Ito yung gusto naming iparating sa ating mga kababayan kaya hanggat may oras pa, lilibutin namin ang buong bansa para maipakilala ang tambalang MarSo,” ani Bautista.

Sa katunayan ang biyahe pa-Norte ay bagwis ng serye ng isinagawang caravan sa mga siyudad ng Sto. Tomas at Tanauan sa Batangas noong Linggo bago umarangkada sa sa Lalawigan ng Rizal partikular na sa progresibong bayan ng Montalban nitong Miyerkoles, Abril 27 ,2022.

Mula Rizal, diretso ang tropang PhilTram patungong norte sa Bulacan, Pampanga , Nueva Ecija hanggang sa Aparri, Cagayan.

“From Aparri, iikotin namin pabalik ang Pagudpud, Laoag, Vigan, La Union and Baguio City and then pababa uli ng Manila para patuloy na ikampanya ang MarSo,” dagdag ni Bautista.

“Sa ilang araw naming paglilibot, napaganda ng pagtanggap ng taong-bayan sa MarSo tandem,” ani Bautista.

Mga tindero sa palengke, batang negosyante, at mga dumadaan ay nag-aatubili munang makipag-usap hanggang sa ipakilala ng PhilTraM at ipaliwanag sa kanila kung ano ang ibig sabihin ng MarSo at dito’y agad na nagbago ang kanilang pagbabantulot hanggang sa suklian na ng may ngiti sa labi. (ai/mtvn)

Leave a Reply