Aparri, dulo ng ‘Pinas sa Norte, nilusob din ng tropang MarSo

Aparri, dulo ng ‘Pinas sa Norte, nilusob din ng tropang MarSo

APARRI – Sa paghahangad na higit pang makarami ng supporters ang tambalang Marcos-Sotto o MarSo sa darating na halalan, nilusob din ng tropang MarSo ang bayang ito na matatagpuan sa dulo ng Norte, ilang oras lamang matapos nilang manligaw sa mga mamamayan ng Tuguegarao City, nitong Biyernes, 29 Abril 2022.

Mula Tuguegarao, tinumbok agad ng grupo ang Pamilihang Bayan ng Aparri at habang nakaparada ang service van ng PhilTraM, na siyang numero unong nagsusulong ng MarSo, ay umaalingawngaw naman sa kapaligiran ang jingle ng MarSo.

Ito ang naging hudyat sa mga taga-Aparri na magsilapitan at mag-usisa na sinamantala naman ng tropang MarSo ang pakikipag-usap at pamamigay ng MarSo flyers; abot-dito, abot-doon ang eksenang kanilang ginawa na siya namang ikinatuwa ng mga mamimili’t mga tindera, tricycle drivers, biyahero at iba pa, para lamang maihatid ang maayos at may pusong plataporma ng tambalang MarSo na dala ang pangakong “Masa ang Panalo.”

Matapos sa pamilihang bayan, ay ginalugad pa ng tropa ang iba’t ibang sulok ng Aparri para magkabit at maglagay naman ng mga tarpaulin at banderitas sa mga nadadaanang istratehikong mga lugar ng bayang ito sa dulong Luzon.

“Mabuti naman po at nakarating kayo dito (Aparri),” excited na bulalas ng isang ale matapos bigyan ng flyers ng MarSo.

“Ito ang matagal ko nang hinanap na tambalan, alam kong malaki ang maitutulong nito sa amin sakaling sila ang manalo sa halalan sa dalawang pinakamataas na puwesto ng ating bansa.” aniya pa, habang naghahanda nang umalis ang tropa upang dumako naman sa iba pang mataong lugar ng Aparri.

Sa bawat madaanang lugar sa Norte iba’t ibang reaksyon pero positibo ang natatanggap ng Tropang MarSo.

Ang iba ay nagsasabing, “Bakit ngayon lang Kayo?” , “Patok sa amin ang Tambalang ito,”, Ito ang tunay na tambalan (MarSo) ang makapagbibigay sa amin dito sa Tuguegarao ng panibagong Pag-Asa.”

At sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ni PhilTraM national chairman Aio Bautista, ay madaling nauunawaan ng mga mamamayan ang nais na ipahiwatig na isinusulong na dalawang kandidato.

“Ito ang swak na ka-tandem ni BBM,” saad ng isa na lumapit sabay nguso kay Senate President Tito Sotto lll sa larawang nakalagay sa tarps na may markang #9.

(Jello/ai/mtvn)

Leave a Reply