‘BAKIT NGAYON LANG KAYO?’MarSo patok sa Tuguegarao, Ilocos

‘BAKIT NGAYON LANG KAYO?’
MarSo patok sa Tuguegarao, Ilocos

TUGUEGARAO City — Sari-saring reaction sa mga taga rito ang natamo ng Philippine Transport Monitor na siyang nagsusulong ng tambalang Bongbong Marcos at Tito Sotto o Marso sa pagiikot ng tropang MarSo sa progresbong lungsod na ito nitong Biyernes, 29 April 2022.

Patok naman diumano sa kanila ang tambalan ng nangungunang presidential candidate na si Bongbong Marcos at Senate President Tito Sotto sa darating na halalan ngunit medyo may kasamang paninisi sila sa tropang MarSo.

“Bakit ngayon lang kayo nag ingay?”

Ito ang malimit na mga katagang nasasambit ng mayorya sa mga nakapanayam ni PhilTrram national chairman Aio Bautista tungkol sa MarSo, Marcos-Sotto tandem, na dala-dala ang slogan na nagsasabing “Sa MarSo, Masa Panalo.”

Habang nakaparada ang sasakyan ng PhilTraM na tinutugtog ang jingle ng “MarSo” sa pamilihang bayan ng Tuguegarao ay isa-isang naglalapitan ang ilang mamimili,
mga tricycle drivers at mga motorcycle riders na kusang humihingi ng mga tarpaulin at mga polyetos o flyers.

“Ito ang tamang ka-tandem ni BBM,” wika ng isa na lumapit sabay turo kay Senate President Tito Sotto III.”

“‘Yan ang batikan sa politika, respetado at walang bahid ng korapsiyon,” pahayag pa ng isang babaeng nag mamay-ari ng isang malaking hardware store, na may halong pagkagulat sa biglaang pagsulpot ng Marcos-Sotto tandem.

Habang binabagtas ng MarSo team ang mga lansangan ng Tuguegarao City ay makikita sa reaction ng mga pribadong motorista ang pagsang-ayon sa tambalang Marcos-Sotto sa pamamagitan ng pagkaway at senyas matapos nilang mapakinggan ang jingle ng MarSo.

Sa paglilibot ng Team ni PhilTram chairman Aio Bautista sa Tuguegarao City ay unti-unti ng naglalabasan ang mga undecided voters at mga silent voters na ayon sa kanila ay susuportahan nila ang isinusulong ng PhilTraM ang tambalang MarSo tandem na isang perpektong kombinasyon anila.

Matapos ang ikot nila sa Tuguegarao tumulak ang Team MarSo patungo sa ituktok ng Norte partikular na sa Aparri. (Benjamin Cuaresma/ai/mtvn)

Leave a Reply