P130M SENTRONG PANGKABATAAN SA ORIENTAL MINDORO PORMAL NANG PINASINAYAAN

P130M SENTRONG PANGKABATAAN SA ORIENTAL MINDORO PORMAL NANG PINASINAYAAN

CALAPAN City, Oriental Mindoro – Pormal nang binuksan ang P130 milyong Sentrong Pangkabataan na proyekto na magsisilbing tahanan ng mga kabataang Mindoreno sa lalawigan ng Oriental Mindoro noong Abril 24, 2022 sa Barangay Sta. Isabel, Calapan City.
Pinangunahan ni Gobernador Bonz Dolor kasama si dating Gobernador Rodolfo G. Valencia, mga opisyal at kinatawan ng mga samahan ng kabataan kabilang ang Provincial Youth Development Council, Riders’ Club, Sangguniang Kabataan Provincial Federation ang pagbubukas ng naturang proyekto.

Nagbigay ng pasasalamat ang dating Gobernador Valencia kay Gobernador Bonz sa pagsisikap nito na maipatapos ang proyektong sinimulan niya at pinangarap din para sa mga kabataang Mindoreno.

Ang Sentrong Pangkabataan ay may dalawang gusali. Ang una ay ang main building kung saan matatagpuan ang sports facilities at ang tanggapan tulad ng iba’t ibang samahan ng mga kabataan tula Brotherhood, Rider’s Club at Sangguniang Kabataan. Ang ikalawa naman ay ang training center na mayroong apat na training hall, apat na dormitoryo at isang IT Library. (ai/mtvn)

Leave a Reply