Paninigaw kay Robredaughter Jillian isang super ‘Fake News’ ngunit Baguio mayor Ben Magalong ‘nag-sorry po’

Paninigaw kay Robredaughter Jillian isang super ‘Fake News’ ngunit Baguio mayor Ben Magalong ‘nag-sorry po’

By Mina A.

Fact Check: Totoo nga bang nasigawan ang anak ni Ginang Leni Robredo na si Jillian Robredo sa isang campaign sortie na iniulat ng TV5 at ipinost sa opisyal na Facebook page ng nasabing istasyon?

Nag-trending ang isang video sa internet ukol sa isang lalaki na nag-sisigaw sa Baguio City Public Market noong Abril 26,2020. Nangyari ito habang nangangampanya ang kampo ng dilawan at nag-aabot ng mga flyers sa mga taong naroroon. Isang nagngangalang Cliff Lewis na isang netizen ang nakapag-record sa eksenang paninigaw.

Samantala, ayon kay Lewis sa kanyang Facebook account, walang Jillian Robredo sa eksena, kundi mga yellow volunteers na nakaharang sa lansangan kaya malinaw umano na nagpakalat ang TV 5 ng isang maling balita o fake news.

Dahil sa pagkaka-ere ng TV5 sa umano’y “fake news” ay napilitang humingi ng paumanhin ang napaniwala sa pekeng ulat na si Baguio City Mayor Benjie Magalong kay Vice President Leni Robredo.

Totoo nga bang sinigawan ni Cliff Lewis ang anak ni Ginang Leni Robredo na si Jillian Robredo?

Rating: False! Fake News!

Sa ginawang pahayag ni Lewis, sinabi nyang napasigaw siya dahil hindi pinadadaan ng mga volunteers ni Gng. Robredo ang mga taong naglalakad. Nagmamadalli umanong umuwi si Lewis ngunit hinaharang siya ng mga nasabing volunteers. Sinabihan pa siya ng isa sa mga volunteer na wala siya pakialam kung hindi makadaan si Lewis basta dapat umano nyang iboto si Leni, na nauwi sa pakikipagtalo niya sa mga volunteers.

Nagsimula nang sumigaw si Lewis dahil sa pagharang sa kanya ng mga volunteers, at kalaunan ay lumapit pa ang dalawang babae na ang isa na sa tantya niya ay ginang na nasa 50-taong gulang ay dinuduro-duro siya at tumawag pa ng pulis. Tuluyan nang nagkagulo sa lugar nang sumigaw si Lewis hanggang itaboy siya ng mga pulis.

Minabuti ding suriing maigi ng MTVN fact-checkers ang kabuuhan ng video.

At ang konklusyon: Malinaw na wala si Jillian sa nasabing video.

Mga source:

Pag hingi ng despensa ng Mayor ng Baguio sa anak ni Ginang Robredo na si Jillian Robredo:
https://coconuts.co/manila/news/baguio-mayor-benjie-magalong-apologizes-to-robredos-daughter-jillian-for-public-market-heckling-vp-says-no-need-to-say-sorry/?fbclid=IwAR2VGPy36qKyo5QT7ta5O9rSjt6J319kLz_Gs5RlTz3UqmNlm5rKYh2QbFQ

Pahayag ni Cliff Lewis sa naturang incidente:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=551844736438101&id=100048377374500

Kabuohan ng video sa incidente sa Baguio:
https://www.facebook.com/watch/?ref=search&v=682748492979670&external_log_id=54cf2c07-29b4-4cef-89c1-4aa7eb966107&q=leni%20supporters%20hinarangan%20ang%20mga%20taga%20baguio

Fact-check by: Mina A

For more News, Showbiz and Sports updates visit our official Social Media Accounts:
http://www.maharlika.tv
http://www.facebook.com//MaharlikaTVNow
http://www.youtube.com//MaharlikaTVNow
http://www.facebook.com/MaharlikaTVShowbizAndSportsOfficial

(ai/mtvn)

Leave a Reply