SURVEY SAYS: Cong Omar Fajardo angat na sa kalaban sa congressional race ng bagong Second District ng Rizal Province

SURVEY SAYS: Cong Omar Fajardo angat na sa kalaban sa congressional race ng bagong Second District ng Rizal Province

Nasa larawan si Cong Omar Fajardo (kaliwa) kasama ang top nominee ng OFW Family na si Atty. Roy Seneres Jr. (gitna) at kanang kamay ni COF na si Ram Buendia Base.

TERESA, Rizal — Umalagwa na’t angat na ng bahagya si Cong Omar Fajardo sa karera ng pagkakongresista sa bagong Second District ng Rizal ayon sa pinakasariwang survey ng 2D Echo Strats-Pulso ng Rizal na inilabas kahapon (Abril 29, 2022).

Nakakuha si Cong Omar ng kabuuang approval rating na 87.85% kontra sa kanyang kalaban na may 87.71% o manipis lamang na 0.14 % na kalamangan buhat sa pitong (7) bayan ng bagong second district ng Rizal partikular na ang (1) Cardona, (2) Jala-Jala, (3) Baras, (4) Teresa, (5) Morong, (6) Pilillia, at (7) Tanay.

Sa Cardona, o mula sa 355 na bilang ng respondents, humamig si Fajardo ng 88.75% kontra sa 87.60% ng karibal, habang sa Jala-Jala matapos ang man-to-man interviews sa may 357 na respondents, nakakuha si Fajardo ng 89.25% kontra sa 88.75% ng kalaban.

Naka-ungos din si Fajardo sa bayan ng Baras: 85.20% kontra sa 84.44% mula sa 340 na respondents.

Habang sa Teresa, kumabig si Cong Omar ng 87.5% kontra 86.04% ng kabila mula sa 350 respondents.

Sa tatlong bayan naman na mababa si Fajardo, ga-buhok na humahabol siya sa Morong na nakakuha a ng 89.7% kontra 90.5% ng kalaban buhat sa 362 respondents gayundin sa Pillilia na nagtala siya ng 86.40 kontra sa 87.5% mula sa 350 respondents.

Sa vote-rich town naman ng Tanay, nakapagtala si Fajardo ng 88.20% kumpara sa 89.20% ng kalaban mula sa may 357 respondents.

Ang bagong Second District ng Rizal ay may kabuuang 593,996 bilang ng mga rehistradong botante batay sa May 13, 2019 National at Local Elections record ng Commission on Elections (Comelec).

Ang 2D Echo Strats-Pulso ng Rizal ay isang independent organization na nagsagawa ng poll surveys sa bagong distrito mula sa mahigit sa 2,000 respondents sa lahat ng pitong (7) bayan ng Rizal.

Gamit nito ang simpleng katunungang nagsasabing: “Kung ngayon gaganapin ang halalan sa pagkakongresista ng bagong pangalawang distrito ng Rizal, sino sa palagay mo ang iyong iboboto?”

Ayon naman sa political observers ng bagong 2D Rizal, malaki ang naitulong ng dubdibang pag-iikot sa pitong bayan ni Cong Fajardo sa kanyang biglaang pag-alagwa kabilang na ang mga sports activities na inilunsad ng kanyang mga kaibigan at lihim na supporters na nagmamahal sa kanya at sang-ayon sa kanyang magadang plano sa bagong 2D-Rizal.
Kalakip sa legislative agenda ni Fajardo ang panukalang batas na gawing “Metro Rizal” ang pitong bayan upang sa gayon hindi na lalabas pa ang mga taga-Rizal pa-Maynila kundi ang trabaho na mismo ang lalapit sa kanila.

Isa pa riyan ay ang magkaroon ng komprehensibong pag-aaral kung paano ma-aalagaan ang mga kabundukan at kapalagiran habang pinagiibayo ang eco-tourism ng Tanay at mga karatig karatig bayan nito.

Idinagdag pa ng Rizal political observers ay ang puspusang pagpapakilala ni Fajardo nitong mga nakalipas na araw sa pamamagitan ng sunod-sunod na motorcade/caravan na minsa’y aktibo pang sumali ang OFW Family Party-list na pinangungunahan ni top nominee Atty. Roy Seneres.

May mga house-to-house campaigns, flyering at pamamahagi ng anti-Covid items buhat sa mga taong nagmamahal sa congressional candidate na Numero Uno (#1) sa balota.

Sa darating na Lunes, Mayo 2 ay mayroong ding nakatakdang bonggang meeting de avance ang Team Cong Omar Fajardo kung saan inaasahang dumalo ang kanyang mga kapartido sa PDP-Laban.

Nakatakda ring magbigay ingay at aliw ang isang grupo ng Ati-atihan na galing pa ng Tondo, Manila maliban pa sa pinakahihintay na pakuwela ng mga stand-up comedians na sina Jeffry “ “GIE KINIS” Salonga at Regina “Rheena” Desales na sila rin aaktong host ng programa. (EM/ai/mtvn)

Leave a Reply