‘Mabuhay ka idol Mygz!’Sikat na Tanaueno vlogger pinarangalan ng pamahalaang lungsod

‘Mabuhay ka idol Mygz!’
Sikat na Tanaueno vlogger pinarangalan ng pamahalaang lungsod

Ang sikat na vlogger na si Mygz Molino na naging katambal at “care-taker” ni Mahal bago pumanaw ang huli noong nakalipas na taon dahil sa Covid

TANAUAN City — Binigyan ng pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Angeline “Sweet” Halili si Ginoong Mygz Molino, isang sikat na “vlogger” dahil sa pagtulong nya sa mga kababayan nating kapus sa buhay.

Si Mygz Molino (may hawak ng plake) kasama ang mga mahal niya sa buhay at mga opisyal ng lungsod Tanauan

Kilala si Mygz Molino bilang kapareha ng yumaong celebrity na si Mahal sa iba’t-ibang video vlogs na nagbigay saya sa ating mga kababayan at umani ng milyong views sa social media.

Nauna rito, pinarangalan din si Mygz ng “Certificate of Appreciation” ng kanyang mga supporters mula sa bansang Saudi Arabia.

Isinagawa ang Awarding Ceremony sa Mayor’s Theatre Room noong nakalipas na Miyerkules (Abril 27, 2022) na dinaluhan nina Mr. Casiano Saniano, Chief of Staff na kinatawan ni Mayor Angeline “Sweet” Halili; Ms. Rebecca Javier, CSWD Department Head; Mr. Edisson Jallores Jr., Community Affairs Office Head; ilang mga department heads at administrative officers at mga supporters ni Mygz.

Narito ang ilan sa mga nagparating ng kanilang pagbati sa kanilang idol:

Rubing Mico

Congratulation idoll mhgz mollino

Reply2d

Virginia Mejia Aquino

Congrats idol, keep up the good work, God bless and more blessings to come stay humble always …

Reply2d

Shei Ri Lle

Congratulations bunso Mygz Molino. We are all proud of you🙏🙏🙏

Reply2d

Rose Lovedorial

Congrats mygz molino To God all be the glory!!

Reply2d

Raquel Raiven Mendoza Boregas

congrats 👏👏

Reply2d

Rowena de Guzman

congratulation bunso mygz molino…napakapalad ng mga magulang mo nagkaroon sila ng anak na katulad mo…napakabuti mong tao…stay humble as sweet us you are…ingat always…

Leave a Reply