MarSo umani rin ng positibong reaksyon sa Vigan locals, netizens

MarSo umani rin ng positibong reaksyon sa Vigan locals, netizens

VIGAN City, Ilocos Sur — Sinuyod ng Tropang MarSo ang makasaysayang lugar na ito upang lalo pang mailapit sa mga mamamayan dito na positibong nagpahayag din naman ng kanilang pagpabor sa MarSo tandem nina leading presidential candidate Bongbong Marcos at Senate President Tito Sotto na isunusulong ng Philippine Transport Monitor (PhilTram).

Otomatic na rin ang tropang MarSo sa pamimigay ng mga polyetos o flyers ng MarSo sa mamamayan at pawang matatamis na ngiti ang kanilang itinutugon mula pa sa Candon, Ilocos Sur hanggang sa lungsod na ito na may 61km pa ang distansya.

Madali rin silang pakiusapan kapag may naispatan ang tropang PhilTram sa pangunguna ni national chairman Aio Bautista, ng pagkakabitan ng tarps sa mga istratehikong puwesto, sa bahay man o establisyemento. Bukas palad silang pumapayag para mailagay ang tarps at banderitas ng MarSo.

Sa konting balik-tanaw, sikat ang Vigan sa mahusay na napreserbang Spanish Colonial na kabahayan at iba pang mga makasaysayang lugar ng turista sa Vigan, at masasarap na pagkain at mga delicacy. Dahil sa kagandahan nito, ito ay naitala bilang isa sa UNESCO World Heritage Sites ang Vigan.

Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 53,935 at may 11,106 na kabahayan. Nanirahan dito si Elpidio Quirino, ang ika-6 na pangulo ng Pilipinas .

Dahil sa magandang pagtanggap ng mga kababayan sa Norte, parang wala rin kapaguran ang tropa, partikular na ang grupong transportasyon na PhilTram na masugid na nagpapaliwanag kung bakit dapat na iboto ang tambalan nina BBM at Tito Sen.

Ang “MarSo, Masa Panalo” tropa ay unang lumusob sa dalawang malalaking siyudad sa Batangas partikular na ang lungsod ng Sto. Tomas at Tanauan sa kalagitnaan ng Abril 24.

Ginamit naman na starting point ng PhilTram ang bayan ng Montalban sa Rizal bago tumulak pa-Norte sa pamamagitan ng laglunsad ng motorcade na sinalihan ng 15 motorcycle riders at sindaming bilang ng tricycle drivers.

Matapos dito tuluyan nag tumulak patungong Norte ang tropang PhilTram at nagbago na nga ang pagkilatis ng mga tao sa perpektong tambalan na maaaninag sa sandamakmak na positibong social posts ng netizens.

Tunghayan natin ang kanilang mga komento:

Marion Bongcawei @ Scarlet Lopez
‘WOW 😍 YAN ANG FUTURE PRESIDENTE AT BISE PRESIDENTE (RP Flag) MARAMI N’ACHIEVE Well EXPERIENCED GOV’T SERVANT 💓 PRA SA MAMAYANG PILIPINO👍WE’RE PRAYING FOR YOU SIR, TO SERVE MORE FOR OUR BELOVED COUNTRY 😇 MORE POWER & GOD BLESS U ALWAYS –

MARSOToMakePhilippinesGreatAgain

marcos7

sotto9


  • Kristof Gray @ Scarlet Lopez. MARDO Hanggang Mayo💪 Ang bibida sa 2022 para mamuno sa Ating BANSA🇵🇭

bbm-sotto

marcos7

sotto9


Bianca Ramos
We support MARSO TANDEM🇵🇭💪✊


Recca Abayle – THE BEST TANDEM THE BEST CHOICE 💕 MARSO TANDEM NA TAYO 🇵🇭💕💕

  • at marami pang mga positibong reaksyon sa paglantad ng suporta sa Marcos Sotto, isang linggo bago ang eleksiyon sa Mayo 9.
    (Jello/ai/mtvn)

Leave a Reply