Panawagan ng grupong MarSo: Malinis na halalan, bantayan ang balota!

Panawagan ng grupong MarSo: Malinis na halalan, bantayan ang balota!

MANILA — Matapos ang matagumpay nilang pangangampanya sa buong Norte, nanawagan naman kahapon (Martes) ang grupong nagtutulak sa MarSo o ang tambalan nina leading presidential candidate Bongbong Marcos at Senate President Tito Sotto ng malinis na halalan at ang anila’y masusing pagmamanman ng boto sa Lunes, Mayo 9, 2022.

“Isang malinis na halalan ang siyang dapat na umiral sa sambayanan sa darating na Lunes. Nawa’y sundin ng lahat ng mga kumakandidato ang kanilang konsensya,” wika ni Aio Bautista, national chairman ng Philippine Transport Monitor na siyang pangunahing grupo na nagsusulong sa tambalang Marcos-Sotto.

“Dapat din po maging mapagmatyag ang sambayang Pilpino at bantayang maiigi ang atin pong mga boto,” dagdag pa ni Bautista.

Katunayan, ang grupo ng PhilTram ay kababalik lamang mula sa limang araw na ratsada sa Norte na siyang naging pinakapandiin sa mahigit sa isang buwang panliligaw sa iba’t ibang sektor ng lipunan upang suportahan ang iboto ang anila’y “perfect combination” na tambalang may puso sa mga manggagawa sa sektor ng transportasyon.

Dala ang malaking pag-asa, halos walang kapagurang tumipa ang Tropang MarSo sa pangangampanya mula sa mga bayan-bayan at mga probinsya ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, Tuguegarao, Aparri, Pagudpud, Laoag, Vigan, La Union at iba pang lugar sa norte.

“Overall po, masasabi kong tagumpay ang MarSo caravan na aming naisakaturapan mula sa limang araw na paglalakbay sa Norte at iba pang bahagi ng bansa, masayang inanalisa ng aming grupo ang respeto at may mga ngiti sa labi ng pagtanggap sa amin sa bawat pagtigil sa mga lugar gaya ng palengke, población ng bawat bayan at siyudad at bukas sila (mamamayan) sa paliwanag kasabay ng pamamahagi namin ng mga polyetos, tarpaulin at banderitas na aming isinasabit sa mga istratehikong lugar at pagpapaalam sa kani-kanilang mga tahanan,” wika pa ni Bautista.

Idinagdag pa ni Bautista na sa isang palengke sa Villasis, Pangasinan tumatak sa kanilang isipan ang hindi makapaniwalang sigla ng mga tao na sadyang nagkagulo sa kanilang pagdating kasabay ng malakas na patugtog ng MarSo jingle na pati mga tambay, mamimili, mga tricycle drivers at mga tindera ay nag-agawan makahingi ng mga paraphernalia’t tarpaulin na may mukha nina BBM (7) at Sotto (9).
, kung saan ganun na lang ang kanilang tuwa dahil sa solidong suporta ng publiko dito sa MarSo tandem.

“Kaya’t kailangan po talaga nating maging vigilant sa aktuwal na halalan sa Mayo 9, protektahan po natin ang sagradong boto, dahil dyan nakasalalay ang ating kapalaran at kapakanan ng taumbayan at sa bagong henerasyon o mga anak natin sa pagpili ng tama sa bagong lider na maluklok para maipatupad ang tamang mga polisiya ng ating bansa.” pahayag ni Bautista, mula sa matagumpay na caravan sa Norte.

Unang nagpatikim ang MarSo caravan na sinabayan ng mga tricycle drivers at riders sa pagtuhog ng dalawang siyudad na malalaki sa Batangas partikular na ang Sto, Tomas at Tanauan kung saan sinuyod ang matataong lugar gaya ng palengke, istratehikong lugar at otomatikong pamimigay ng grupo ng mga polyetos at tarps kasabay din ang pagpapa-selfie sa MarSo, Masa ang Panalo.

Naging starting point ng PhilTram ang bayan ng Montalban sa Rizal bago tumulak pa-Norte sa pamamagitan ng paglunsad ng motorcade na sinalihan ng 15 motorcycle riders at sindaming bilang ng trycycle drivers.

Matapos dito tuluyan nang tumulak patungong Norte ang PhilTraM kasabay ng pagbabago ng kilatis ng mga tao sa perpektong tambalan na maaaninag sa sangkaterbang mga positibong social posts ng netizens.

Kaugnay ng mga positibong reaksyon malawakang pagpapalaganap ng magandang balita sa pagtalakay ng MarSo tandem sa mga radio maging sa probinsiya, dyaryo at iba’t ibang social media platform.

Naniniwala ang grupo na malaki ang mailuluwal na positibong resulta ang kanilang ginagawa.

Nagpahayag naman si NPC bet Tito Sen na welcome sa kanya ang sinumang grupo na kumukumpanya sa kanya. “Wini-welcome ko po ang tulong na ibinibigay ng sinuman na ikakapanalo natin sa darating na halalan.”

Sa bagong inilabas na Pulse Asia survey, namentina pa rin ni UniTeam vice presidential bet Inday Sara-Duterte Carpio ang kanyang kalamangan na nakakuha ng 55 percent voter preference mula April 16-21.

Habang ang sumunod sa kanyang si Tito Sen ay may pag-angat ng 20 percent o dalawang porsiyento nadagdag buhat sa 18 percent na voter preference sa survey ng Pulse Asia noong Marso.

Si Kiko Pangilinan ay nasa tersera matapos umangat ng bahagya sa 16 percent mula sa dating 15 percent.

May anim na araw na lamang bago ang halalan at trangko pa rin si Bongbong Marcos tangan ang mataas na 56% voter preference sa pagkapangulo habang si VP Leni Robredo ay bumagsak pa sa 23% kumpara sa nakuha niyang 24% noong March survey. (Jello/ai/mtvn)

Si PhilTram national chairman Aio Bautista (kanan) na malayang nagpakuha ng “selfie” kasama ang isang MarSo supporter sa Vigan.

Leave a Reply