SARAH DUTERTE-CARPIO PINANGUNAHAN ANG ‘KALUTAN ED DALAN’ CEREMONIAL LIGHTING SA DAGUPAN CITY

SARAH DUTERTE-CARPIO PINANGUNAHAN ANG ‘KALUTAN ED DALAN’ CEREMONIAL LIGHTING SA DAGUPAN CITY

By Glen S. Ramos

DAGUPAN City – Sa kanyang pagbisita sa lunsod ng Dagupan, pinangunahan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang pagsisindi ng unang 100-grills na mga lutuan gamit ang isang bamboo torch, sa kahabaan ng A.B. Fernandez Avenue bilang hudyat ng pagsisimula ng “Kalutan ed Dalan” o Lutuan sa Daan, ang highlight ng Bangus Festival 2022 noong Sabado, Abril 30, 2022.
Humigit-kumulang sa 1,000 grills ang ginamit para ihawin ang libo-libong bangus na inilatag sa mahigit isang kilometrong bahagi ng lansangan.

Pitong entablado din ang itinayo sa kahabaan ng lansangan kung saan kumanta ang iba’t ibang banda.

Nagpasalamat naman si Mayor Brian Lim sa libo-libong mga residente ng Dagupan sa pakikibahagi nila sa “Kalutan”. Pinasalamatan din niya ang mga sponsors, at mga negosyante na sumuporta sa pagdiriwang.

Ang Bangus Festival ay sinimulan ni dating Mayor Benjamin Lim noong 2002 upang maitaguyod ang produktong bangus ng lungsod sa buong mundo.

Naisakatupran ito nang maitala sa Guinness World Records na ang pinakamahabang barbecue grills sa buong mundo ay inilatag sa Dagupan City noong 2003.

Ang Bangus Festival ay pansamantalang nakansela noong 2020 at 2021 dahil sa Covid-19 na pandemya. (ai/mtvn)

Leave a Reply