BBM nagpahayag ng pasasalamat sa Kapatirang Inglesia Ni Cristo sa pag-endorso sa UniTeam

BBM nagpahayag ng pasasalamat sa Kapatirang Inglesia Ni Cristo sa pag-endorso sa UniTeam

MANILA — Matapos i-endorso ang kanilang kandidatura kasama na ang kanyang running-mate na si Inday Sara Duterte, ay taus-pusong nagpahayag ng pasasalamat si Bongbong Marcos sa buong kapatiran ng Iglesia ni Cristo kahapon.

Si BBM ay siyang kasalukuyang nangunguna sa presidential race tangan ang matikas na 68% na preference rating.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag-pasasalamat.

“Pahayag ng pasasalamat sa buong kapatiran ng Iglesia Ni Cristo:

Ako po at ang aking pamilya, sampu ng buong alyansang nakapaloob sa UniTeam, ay labis na nagagalak at buong pusong nagpapasalamat sa suportang inihayag ng kapatirang Iglesia Ni Cristo, sa pangunguna ng kanilang Tagapamahalang Pangkalahatan Kapatid Eduardo V. Manalo.

Ang pagpili sa amin ni Inday Sara Duterte bilang mga kandidato na kanilang sinusuportahan sa pagka-presidente at bise presidente sa darating na halalan ay isang malaking karangalan na may kaakibat na hamong nakatuon sa aming kakayahang mapag-isa ang bansa … mapagbuklod ang mga Pilipino … at maitawid and sambayanan sa krisis na dulot ng pandemya.

Sisikapin po namin na ang tiwalang ipinagkaloob ng kapatirang Iglesia Ni Cristo ay magbubunga ng tunay na pagkakaisa ng mga Pilipinong nagmamahal sa Pilipinas at walang alinlangan na sama-samang haharap sa mga pagsubok na daraanan sa paghanda ng magandang bukas para sa ating kabataan.”

Ang naturang pahayag ay nilagdaan ni BBM.

(ai/mtvn)

Leave a Reply