MarSo caravan huling hirit ng PhilTram sa Cavite!

MarSo caravan huling hirit ng PhilTram sa Cavite!

MANILA — Ikakasa ng PhilippineTransport Monitor (PhiltraM) ang umano’y huling hirit nito para sa itinutulak nitong tambalan sa pagka-presidente at bise presidente nina Bongbong Marcos at Tito Sotto sa darating na halalan sa pamamagitan ng isang caravan o motorcade sa lalawigan ng Cavite ngayong Huwebes.

Ang naturang transport group ay siyang nangungunang sumusuporta at nagtutulak sa Marcos-Sotto tandem (MarSo) na ngayo’y nakatakdang maglunsad ng caravan mula sa Barangay Niog sa Bacoor City hanggang sa Dasmarinas City, Cavite.

Ayon kay PhilTram national chairman Aio Bautista, mula sa Niog ay babagtas ang kanilang caravan sa Aguinaldo Highway, deretso sa may SM Bacoor, sa Anabu bago tumuloy sa Dasmarinas.

Umaasa ang PhilTram na sa kanilang huling hirit sa Cavite ay madaragdagan pa ng mga nais bomoto para sa tambalan nina Bongbong Marcos at Tito Sotto gaya ng kanilang nagawa nang umikot ang Tropang MarSo sa Norte kung saan nakadahupang palad nila ang mga tao sa Bulacan, Pampanga, Pangasinan, Nueva Ecija, Nueva Viscaya, Tuguegarao, Aparri, Laoag, La Union, at iba pa.

“We gained so much support during the past few days as the group launched a massive campaign thrust and caravan in several provinces and key cities up North,” ani Bautista.

“Nagtatanong nga ang marami sa aming mga nakausap na bakit ngayon lang lumabas ang partnership nina Marcos at Sotto. Hindi pa man, talaga pa lang ito na ang prepared nilang tambalan sa halalan,” dagdag pa ni Bautista.

Ang Cavite ay isa sa lalawigan sa Luzon na may pinakamaraming botante at ang mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Governor Junvic Remulla ay maaga nang naghatag ng suporta kay BBM sa presidential race.

Bagamat ang Marcos tandem sa Uniteam ay si Inday Sara ang nagunguna sa preference survey para sa bise presidente, malakas naman ang panawagan para kay Sotto bilang pinakamaangas na alternatibo bilang ikalawang pangulo na umani ng maalab na suporta sa mamamayan sa mga nakalipas na buwan.

“Susuyurin na naming itong Cavite. Itotodo na naming ang pagpapakilala sa MarSo. I’m sure madali itong matatanggap ng masa kasi parehong team players sina BBM at Senator Sotto,” wika pa ni Bautista.

“Yung cross-party partnership, talagang ginagawa yan ng mga voter. Pero kung titignan natin ang plataporma ni Marcos yung pagkakaroon ng unifying leadership akmang -akma sa personalidad at nagawa na ani Sotto bilang legislature at Senate President. Kaya sa MarSo, tunay na ang Masa ang panalo,” aniya pa.

“Leadership by example. Kakayahan at katapangan. For over 30 years sa public service, hindi nadawit sa anumang kontrobersya si Senator Sotto. His program and advocates sa marginalized sector particularly sa transport sector ay talagang akma sa uri ng gobyerno na nais isulong ni BBM,” pahayag ni Bautista.

Sa ginanap na KBP-Comelec Vice Presidential Forum kahapon, Miyerkules sinabi ni Sotto n kapag nanalo siya sa VP race kaya niyang trumabaho’t makipagtulungan sa sinuman ang mamayani sa pagka-Pangulo.

“Kakaibang VP. Consensus builder ako. Sa tagal ko sa public service wala akong inaaway. I’m a team player. Kahit di ko kaalyado ang mananalong presidente, magugustuhan ang programa na ibibigay ko,” sambit ni Sotto. (Jello/ai/mtvn)

Leave a Reply