Inofre inendorso si Cong.Omar Fajardo; Odin inilaglag!

Inofre inendorso si Cong.Omar Fajardo; Odin inilaglag!

Sa kanyang paglilibot sa Second District ng Rizal, partikular na na-ispatan ni Cong. Omar Fajardo (kaliwa) ang nasirang tulay na anya ay muli niyang ipapatayo sakaling palarin siya manalo sa darating na halalan.

TANAY, Rizal — Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source at salig na rin sa kaparehong platapormang isinusulong at pinaglalaban, markadong inendorso at hinatag ni Tanay Rizal mayoralty candidate Engr. Carlos Onofre, Jr., ang kanyang buong suporta sa tinuturing na “savior” sa kahirapan ng bagong Second District ng Rizal na kumakandidato bilang kongresista na si Omar Fajardo.

Naganap ang pag-endorso kay Fajardo ni Inofre ilang araw matapos ang magkasunod na rally ng una sa Tanay Park at sa Barangay Sampaloc basketball court kung saan halos umabot sa isang libo ang dumalo ngunit hindi umuwing luhaan dahil sulwak ang food and drinks kortesiya ng isang sikretong supporter at ng Los Compadres na kinabibilangan ng mga kaibigan ni Fajardo na dati na ring congressman ng OFW Partylist panahon ni FVR.

Bagupaman naganap ang dalawang malalaking rally ni Fajardo, ay naglunsad ng mga palaro ng mga tirador ng three-point shoot sa ilang barangay ng Tanay hanggang sa Baras, Rizal.

Ang Tanay Park grand rally nitong Mayo 2 ay dinaluhan ng higit sa ‘sanlibong supporters para muling himukin ang Rizalino na piliin ang tamang lingkod bayan na tutulong ng tapat para sa mga programang unang prayoridad ay ang mahihirap kapag naitaya na nila ang sagradong boto sa Lunes, Mayo 9.

“Aanhin pa natin ang tagumpay kung hindi tayo magsasakripisyo para ipaglaban ang ating bayan,” ‘yan ang mga katagang namumutawi sa isang lingkod bayan na isang inhenyero na si Carlos Inofre, Jr., na hangad paglingkuran ang mamamayan ng Tanay bilang alkalde kapartner si vice mayoralty bet Eri Ver Gaston na may slogan na “Tanay tungo sa Modernong Pag Unlad 2022”.

Isang independent candidate si Inofre pero lantarang sinusuportahan siya ng PDP Laban Party na partido naman ni Cong Omar at ng UniTeam ni presidential frontrunner Bongbong Marcos, kung saan sa isang proclamation rally sa Tanay ay dumalo sina Gov. Nina Ynares , vice gov. Junrey San Juan at BM Hector Robles para sa isang makasaysayang event ng Team Inofre- Gaston para ipakita ang suporta.

Likas kay engr. Inofre ang mapagkawanggawa at patunay na nga rito ang pag-aalay niya ng dugo sa higit 72 o 73 beses.

“Di ko na maalala kung pang-ilan na, ang mahalaga nakatulong sa iba at nakapagligtas ng buhay” saad ng may bukas-palad na kandidato ng Tanay na si Inofre, na sakto ring partner ni Cong Omar para sa pagsulong ng Segundo Distrito ng Rizal.

Bagupaman ang malakas na tawag ng kanyang mga kababayang Rizalino na naghahangad ng pagbabago tumakbo bilang mayor, si Inofre ay naitalaga bilang MENR officer at Tanay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO) na epektibo noong January 09, 2016.

Nasa puso ang pangangalaga sa kalikasan, si Inofre ay lider ng Tanay Mountaineers (TM) na umani ng maraming parangal, gaya ng Gawad Kalasag (GK) Hall of Fame Awardee sa buong rehiyon ng Calabarzon bilang Best Volunteer Organization sa larangan ng Disaster Risk Reduction and Management ( DRRM) at itinanghal bilang National Finalist for Best Volunteer Organization sa 21st National Gawad Kalasag Awarding Ceremony . (TM Esther Custodio TM Class 11-07 Batch Bubuyog).

Sa darating na Mayo 9, umaasa at hiling ni Inofre na isama siya sa balota ng mga kababayang Rizalino ang kanyang pangalan at tropang Inofre-Gaston, at siyempre paki-shade na rin agad ang pangalan ni Cong. OMAR Fajardo na may mga katagang ipinaglalaban “Maiba naman, Tungo sa Pagbabago!” ng Tanay atanim pang bayan ng bagong Second District.

“Napakasarap sa pakiramdam na makasama kayo sa laban. Magiging matatag po Tayo hanggang huli. Basta laban lang Tayo. Hanggang makamit Ang tagumpay @Carlos Enofre @ Iver Gaston🙏❤️❤️” -sa isang post ng isang supporter na si scottie bendana. (Jello/ai/mtvn)

Leave a Reply