San Andres Bukid, Quiapo, sinuyod ng mga MarSo Youth Volunteer sa pamimigay ng sample ballot

San Andres Bukid, Quiapo, sinuyod ng mga MarSo Youth Volunteer sa pamimigay ng sample ballot

MANILA — Parang ‘ hotcake’ na madaling naubos ang pinamimigay na sample ballot ng tambalang MarSo (Marcos – Sotto) sa mga dumaraang mamamayan sa istratehikong kalye at palengke sa area ng San Andres Bukid, at Quiapo sa Maynila.

Nakapaloob din sa sample ballot ng alternatibong tambalan nina UniTeam presidential frontrunner Bongbong Marcos Jr., at NPC Senate President vice presidential bet Tito Sotto lll, ang mga sinusuportahang senatoriable gaya nina 6. Balita Carl (Aksyon), 22. Ejercito, JV Estrada (NPC), 23. Eleazar, Gen. Guillermo (PDR), 25. Escudero, Chiz (NPC), 40. Legarda Loren (NPC), 29. Gadon Larry (KBL), 30. Gatchalian Win (NPC), 31. Gordon WOW Dick (BVNP), 62. Villar Mark (NP) at 64. Zubiri Migz (IND) bilang gabay sa kanilang pagboto isang araw bago ang halalan sa Lunes, Mayo 9.

Anim na grupong sakay ng van na tinampukan ng mga kabataan, ang boluntaryong naging bahagi ng kasaysayan sa pamamagitan ng pagsuyod sa iba’t ibang lugar tulad ng pamilihang bayan, palengke, pampasaherong jeepney, pribadong sasakyan at sa mga eskinita ng ating mga kababayang nasa marginalized sector ng lipunan para abutan ng sampol na balotang sumusulong sa MarSo (Marcos-Sotto) tandem.

” Kinabukasan po namin ang nakataya dito, kaya nagboluntaryo na rin po akong sumama sa MarSo, dahil nang mabasa ko po ang plataporma ng alteratibong tambalanf Marcos-Sotto, hindi na po ako nagdalawang isip, ” sambit naman ng isa 22-anyos na volunteer na si Mikaela, Computer Science student sa Pateros.
Ginalugad ng grupo ang iba’t ibang siyudad at bayan ng Metro Manila tulad ng Quezon City, Pateros, Pasig, Malabon , Paranaque, Manila, Mandaluyong, San Juan, Camanava, Pateros at Taguig para sa tinatayang 400,000 nailimbag na sample ballots na matagumpay na naipamahagi sa ating kababayan.

” Sa ganitong paraan man lang bilang first time voter ay makatulong ako sa tambalang MarSo, sila po (Marcos-Sotto) talaga iboboto ko, ” ani Julie, freshman student na kumukuha ng kursong Office Administration sa Pateros Technological College.

Ang pamamahagi ng sample ballots ay huling bahagi ng kampanya ng nangungunang tagasulonh na grupo ng transportasyon- ang Philippine Transport Monitor (PhilTraM) ni national chairman Mr. Aio Bautista, matapos ang higit ‘sambuwang “awareness campaign” ng MarSo na nag-umpisa noong Abril 6, 2022.

Kasalukuyan ang PhilTraM ay may tinatayang higit 20,000 miyembro sa buong bansa na layuning mapagbuti ang kanilang hanay bilang isa ring frontliner sa kasagsagan ng paghagupit ng Covid-19 pandemic.

“Masasabi ko pong sulit ang aming kampanya, at hindi kami nabigong ibahagi sa madla, sa ating mga kababayaan na ibahagi ang “alternatibong tambalan” na idinudulog ng MarSo, Masa ang Panalo kung saan prayoridad sa kanilang platapormang una ang pagkakaisa at pagbabago at pagsulong ng mga batas na tutugon sa recovery program sa post pandemic, at trabaho.” ani Aio.

“Walang magiging problema si Marcos kung ang Vice President niya ay tulad ni Tito Sen na isang tunay at epektibong team player,” dagdag pa ni Bautista nang makapanayam nitong weekend. (ai/mtvn)

Leave a Reply