BANTA NA BABAGSAK ANG STOCK MARKET, ISA LANG HAMON KAY BBM

BANTA NA BABAGSAK ANG STOCK MARKET, ISA LANG HAMON KAY BBM

MANILA — Naniniwala si Professor Emmanuel Leyco, ang pangulo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na bagaman sa magkakaroon ng shake up sa ekonomiya partikular ang stock market bilang protesta umano ng mga negosyanteng ayaw kay Bongbong Marcos, ito ay panandalian lang o sa mga unang araw lamang bilang ano ang epekto sakaling siya ang maihalal bilang Pangulo ng Pilipinas.
Ayon kay Leyco, dapat maging hamon kay BBM sakaling idaan ng mga ayaw sa kanya ang pullout sa stock markert upang pagbagsakin ang ekonomiya.

Gayunman, ang ganitong banta ay dapat i-take ni BBM at sinumang nasa posisyon bilang hamon at pagbutihin pa ang panunungkulan.

Sabi, nga guidance lamang ang ganitong mga banta para sa tuwid at kapaki-pakinabang na direksyon.

Kumpiyansa si Leyco na kapag nailatag ni BBM ang kanyang economic policy at maaari nitong makumbinsi ang public, mga kapitalista at negosyante.

“Hindi naman dapat sabihin day 1 bagsak ito (economy) hamon lamang kay BBM ung paano niya kukumbisihin ang publiko, pamumunuan ang pamahalaan at ang kanyang economic policy at oryentasyon,” ayon kay Leyco.

Dagdag pa ni leyco na maraming dahilan kung bakit bumababa ang stock market at hindi lamang sa politika.

Subalit naniniwala ang ekonomista na huhupa rin ito lalo na’t pokus naman ng mga kapitalista ay kumita at magandang merkado na taglay ng Pilipinas. (ai/mtvn)

Leave a Reply