ALKALDE AT BISE-ALKDE NG LAS PINAS PROKLAMADO NA

ALKALDE AT BISE-ALKDE NG LAS PINAS PROKLAMADO NA

Ni Arwen Pascua

MANILA — Prinoklama na ng COMELEC ang pagkapanalo nila Mayoral re-electionist Mel Aguilar at Vice Mayoral re-electionist April Aguilar kaninang 10:30 ng umaga, May 10, 2022 sa Session Hall ng Las Piñas City Hall.

Natapos ang canvassing kaninang 5:00 ng umaga na pinamunuan ni Atty. Edgar Feliciano Aringay na siyang tumayong Chairman of Board of Canvassers kasama si Atty. Marilyn Cynthia Fatima Luang-Vice Chairperson at Dr. Joel T. Torrecampo ng Division Office ng Las Piñas bilang Member-Secretary.

Ayon kay Mayor Aguilar ay lubos silang nagpapasalamat sa lahat ng mga sumuporta at nagpaabot ng walang pagsasawang pagmamahal upang muling maihalal na alkalde ng Las Piñas. Dagdag pa nito na ang lahat ng programang isasagawa nila sa kanilang termino ngayon ay sinisuguro niyang magiging kapakipakinabang sa lahat ng Las Piñero higit lalo na sa kinabukasan ng mga kabataan at ng buong lungsod ng Las Piñas. (ai/MTVN)

Leave a Reply