Ni Arwen Pascua
MANILA — Makaraan ang dalawang taon at halos dalawang buwan, zero na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).
Ito ay nang gumaling na ang natitirang may sakit habang wala namang naitalang bagong dinapuan ng nasabing virus.
Sa datos ng PNP-Health Service, as of May 11, zero na ang active case, zero rin ang new case.
Umabot naman sa 48,736 ang kabuuang bilang ng kaso.
Ang mga nakarekober ay 48,736 habang 129 ang mga nasawi.
Samantala, 220,204 pulis naman ang tumanggap na ng booster shot laban sa COVID-19; 223,469 naman ang kumpleto sa primary vaccines habang 220 pa ang naghihintay ng ikalawang dose ng bakuna.
Maroon pang hindi nababakunahang pulis dahil sa taglay na medical condition at sariling paniniwala laban sa nasabing bakuna.