GUN BAN UMIIRAL PA RIN SA BUONG BANSA AYON SA AFP

GUN BAN UMIIRAL PA RIN SA BUONG BANSA AYON SA AFP

Ni Arwen Pascua

MANILA — Ipinaalala sa publiko ni Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (Wesmincom) Commander Lt. Gen. Alfredo Rosario Jr. na umiiral pa rin ang gun ban sa buong bansa.

Sinabi ni Lt. Gen. Rosario na alinsunod sa COMELEC Resolution No. 10728 ipinagbabawal ang paggamit, pagbibitbit, at pagdadala ng mga firearms at deadly weapons sa labas ng tahanan at lahat ng pampublikong lugar mula Enero 9 hanggang Hunyo 8.

Ang paalala ay ginawa ng heneral matapos na mahuli ang anim na armadong indibidwal sa joint checkpoint operation sa Barangay Tagulo, Sultan Naga Dimaporo (SND), Lanao del Norte, isang araw makalipas ang halalan.

Ang anim na suspek ay kasama ng grupo ng 40 indibidwal na nakasakay sa isang dump truck at pick-up ng LGU ng Midsalip, Zamboanga del Sur na naharang sa checkpoint.

Nakuha sa mga suspek ang tatlong M16A1 rifles, isang M4 rifle, isang M14 rifle, isang cal. 45 submachine gun, isang cal. 50 Barret rifle, isang rocket-propelled grenade launcher, isang 9mm submachine gun, apat na cal. 45 pistol, isang 9mm pistol, isang cal. 38 revolver, isang rifle grenade, at samut-saring magasin at bala. (ai/mtvn)

Leave a Reply