NICA: LENI ISASAKRIPISYO NG CPP-NPA

NICA: LENI ISASAKRIPISYO NG CPP-NPA

National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director-General Alex Paul Monteagudo (Sonshine photo courtesy)

MANILA — Hindi malayong si Leni Robredo mismo ang isakripisyo ng teroristang CPP-NPA upang mapagtagumpayan lamang ang inaasam nilang pang-aagaw ng kapangyarihan sa pamamagitan ng paghahasik ng kaguluhan sa bansa.

Ito ang sinabi ngayong Biyernes ni National Intellingence Coordinating Agency (NICA) Director-General Alex Paul Monteagudo matapos kumpirmahin na ang banta ng kaguluhan sa Pilipinas ay patuloy na nakataas dahil na rin sa hindi pagtanggap ng pagkatalo ngayong halalan ni Robredo.

Kaugnay nito, sinabi ni Monteagudo na dahil sa isinasagawang kilos protesta ng mga tagasuporta ni Robredo kung saan ay hinahaluan pa ito ng grupong KABAG (Kabataan, Anakbayan, Bayan Muna, ACT, and Gabriela, hindi malayong mapunta ito sa mas malaking trahedya.

Inihalimbawa niya ang madugong Plaza Miranda bombing noong August 21, 1971 kung saan siyam na katao, karamihan ay mga pulitiko ang namatay, at ikinasugat ng 95 iba pa.

Ang may kagagawan aniya sa pambobomba ay ang grupo ni CPP founder Jose Maria Sison, upang ibintang kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr., tatay ni president-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

“Kaya ang sinasabi lang natin baka ma-exploit yung kanilang grupo. In fact kaya ko binanggit yung Plaza Miranda. Bakit sino ba ang binomba sa Plaza Miranda? Di ba ang mga primary candidates?” ani Monteagudo.

“Even VP Leni can be sacrificed by CPP-NPA-NDF kung mag-rally siya, mag-attend siya, hagisan siya ng granada. Sino ang sisihin kung may maghagis ng granda sa grupo nila VP Leni? Sasabihin nila ang gobyerno, si Pres. Duterte, kung may mangyari halimbawa. Yan ang scenario ng Plaza Miranda kaya ko binanggit yung Plaza Miranda dahil ang hinagisan ng granada hindi ordinaryong estudyante kung hindi mga kandidato mismo,” wika pa ng opisyal.

Idinagdag din niya na may ‘tactical alliance’ ang mga terorista at sina Robredo at hindi malayong isakripisyo mismo ni Joma ang buhay ni Robredo.

Aniya ang panganib dito ay hindi ang tunay na pakay ni Joma na maging Pangulo si Robredo, kundi ang maangkin ng mga teroristang NPA ang gobyerno.

“Ang kanilang objective is not the objective of the group of VP but the objective of Joma Sison which is to cause trouble, crisis situation, magkaroon ng krisis sa bayan, ng kaguluhan, at kung may kaguluhan dun magprosper ang CPP-NPA-NDF,” dagdag pa ni Monteagudo.

Nagtataka naman ang NICA chief kung bakit hanggang ngayon ay walang malinaw na pahayag si Robredo para kondenahin ang mga teroristang gawain ng CPP-NPA.

Ang masaklap pa, nagpapatuloy aniya ang tactical alliance sa pagitan ng mga teroristang NPA at kampo ng dilawan. (ai/mtvn)

Leave a Reply