P100M na pondo para gibain ang BBM admin kinakalap ng alyansang CPP-NPA at pinklawan

P100M na pondo para gibain ang BBM admin kinakalap ng alyansang CPP-NPA at pinklawan

Members of CPP-NPA (Photo courtesy by Inquirer.net)

MANILA — Hindi pa man tapos ang opisyal na bilangan ng boto na ginagawa ng Commission on Elections (Comelec) ay nagsisimula nang maghanda ang alyansang CPP-NPA at pinklawan upang patumbahin ang papasok na administrasyon ni presumptive President Bongbong Marcos.

Hayagan ngayon ang pagkalap ng pondo ng mga influencers sa iba’t-ibang social media platforms para sa Angat Buhay Foundation na balak nilang gamitin para tustusan ang mga gagawing operasyon laban sa pamahalaan.

Sa Twitter, tinataryahan ang bawat kakampink ng isang libong piso kada ulo para makabuo ng 100 million pesos na magsisilbing inisyal na pondo ng nasabing foundation.

Ayon kay Twitter user JR Ong, na isang doktor ayon sa kanyang profile ay naghihikayat sa mga kakampink na magdonate upang makalikom ng pondo.

“Can we sign up 100,000 kakampinks willing to donate at least P1,000/year? That’s at least 100M for Angat Buhay Foundation…,” wika ni Ong sa kanyang post.

Matatandaan na nitong kampanya, lumabas ang mga balita na napasok na ng mga kadre ng CPP-NPA ang organisasyon ni Leni Robredo na kalaunang kinumpirma naman ng NTF-ELCAC.

Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nagko-concede ang tambalang Leni-Kiko kahit imposible nang makahabol ang mga ito ayon na rin sa pinakahuling datos mula sa transparency sever ng Comelec.

Ngayong tanghali, Mayo 13, 2022, lamang na lamang pa rin si incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa botong mahigit 31 milyon. Lumalabas rin na lampas 16 milyon ang kanyang agwat kay Robredo na nakakuha lamang ng mahigit 14 milyon na boto.

Maliban sa pagpapasidhi ng galit ng mga mamamyan, nag-oorganisa rin ang alyansa ng mga pocket rallies sa paligid ng mga lungsod sa pag-asang maulit ang People Power revolution na kinasangkapan para pabagsakin ang dating administrasyon ng ama ni Marcos.

Pumalpak ang mga naunang pagtatangka ng nasabing grupo na maghasik ng gulo dahil karamihan ng mga sumama sa mga rallies ay hinakot ay binayaran lamang at nagpulasan matapos di makayanan ang init sa kalsada.

Reklamo ng ilang dumalo sa mga nasabing rally ang kawalan ng tubig at pagkain dahil hindi maging ang kanilang mga lider ay nagtataka at hindi nakarating ang pondo para rito. (ai/mtvn)

Leave a Reply