680k halaga ng droga nasabat sa Batangas City

680k halaga ng droga nasabat sa Batangas City

BATANGAS City — Iniulat ni Batangas Police Provincial Office Director PCOL GLICERIO C CANSILAO kay PRO-CALABARZON Regional Director PBGEN ANTONIO C YARRA ang pagkaaresto sa isa na namang drug personality na si John Christopher Abulencia y Oliver (34) may kinakasama, tricycle driver, tubong Malabon City at residente ng Blk. 3 Lot 5 Console 1, Pisces St. Brgy San Lorenzo Ruis, San Pedro, Laguna sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib pwersa ng mga miyembro ng Office of the Provincial Director Drug Enforcement Unit (OPD-DEU) at Batangas City Police Station.

Dakong alas-7:45 ng gabi ng Mayo 14, 2022 sa Brgy. Balagtas, Batangas City nang madakip ang naturang suspect.

Narekober sa suspek ang dalawang (2) pirasong heat-sealed transparent plastics na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, isang (1) pirasong brown paper bag, buy-bust money na P200,000.00, isang (1) unit ng OPPO android phone color blue at red body bag, at cash na P350.00.

Ang nakuhang shabu ay may timbang na aabot sa humigit kumulang na 100 grams at nagkakahalaga ng aabot sa P680,000.00 pesos.

Ang buong operasyon ay naitala sa pamamagitan ng Body Worn Camera at ang pagmamarka at pag-imbentaryo ng mga nasamsam na ebidensya ay ginawa sa nasabing lugar ng insidente sa presensya ng suspek, at sina Brgy Councilor Mario Guinhawa at Media Representative Lito Rendura.

Dinala ang naarestong suspek sa Batangas Medical Center para sa medical examination at pagkatapos ay sa Batangas PCLO para sa drug test habang ang mga nakumpiskang ebidensya ay isumite din para sa pagsusuri sa laboratoryo.

Gayundin, inihahanda na ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kasong Violation of Sec. 5, Art. 2 of RA 9165 laban sa suspek.

“Pinupuri ko ang ating mga operatiba sa kanilng pagsusumikap para mapigilan ang dalawang personalidad na ito sa pagpapakalat ng ipinagbabawal na droga. At sa mga magtatangkang magpuslit nito ay hindi namin kayo tatantanan. Muli, kami ay nakikiusap sa ating mga kababayan na hwag po kayong mag atubili na magreport sa inyong kapulisan, magtulungan po tayo para sa pagkakaroon ng tahimik at maayos na komunidad, rehiyon at bayan” wika ni PBGEN YARRA.
(Ogima)

Leave a Reply